in

5 taong regular na paninirahan sa bansa para sa EC long term residence permit, kailangan ba kahit ng menor de edad?

Ako po ay EC long term residence permit holder. Nakarating na po ang aking anak mula sa Pilipinas sa pamamagitan ng Family Reunification process, EC long term residence permit din po ba ang ibibigay sa kanya? 

Ang menor de edad na anak ng mga dayuhan ay kailangan regular at tuluy-tuloy na naninirahan ng limang taon sa Italya bago magkaroon ng EC long term residence permit.

Ito ay ayon sa Central Immigration Office ng Department of Public Security ng Ministry of Interior, sa pamamagitan ng isang Circular na inilabas bilang tugon sa Questura di Firenze.

Batay sa atikulo 31 ng Dlgs 286/1998 ng Testo Unico sull’Immigrazione ay nasasaad na “ang menor de edad na anak ng dayuhan na regular na naninirahan ay sinusunod ang kundisyon ng magulang na kapisan” Dahil dito, humingi ng paglilinaw ang Questura di Firenze kung sa anak na menor de edad ay dapat bang ibigay ang EC long term residence permit, ng hindi isasaalang-alang ang taon ng paninirahan ng menor sa bansa.

Nilinaw ng Ministry of Interior na ang nasasaad sa Testo Unico ay ipatutupad “alinsunod sa interpretasyon ng Court of Justice, na nauugnay sa limang taong pananatili sa bansa, na dapat ay personal na matugunan”. Ang sanggunian ay ang hatol ng European Court of Justice C-469/13, kung saan nasasaad ang mga probisyon ng Directive 2003/109 / EC “ito ay hindi nagpapahintulot sa isa sa mga country member na mag-isyu ng nasabing dokumento sa kondisyong hindi tulad ng hinihingi ng batas”.

Sa naging tugon ay idinagdag ng Ministry na ang mga financial/economic status ay kailangan ding tiyakin para sa mga  menor de edad. At tandaan na ang menor de edad ay exempted sa italian language test hanggang 14 anyos.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga paaralan sa Italya, lalahok sa Global Climate Strike bukas

Shabu Queen, arestado sa Milano