Ang rimborso 730 senza sostituto d’imposta ay ang tax refund (o pagbabalik ng halagang higit na binayaran para sa buwis kaysa sa kinita), ng mga walang employer o mayroon man ngunit hindi tumatayong witholding agent, tulad ng mga colf at caregivers.
Dahil dito ang lahat ay dapat gumawa ng tax declaration o dichiarazione dei redditi sa pamamagitan ng Caf o commercialista at pagkatapos ay maghintay ng refund mula sa Agenzia dell’Entrata sa bank o postal account. Ang refund ay karaniwang natatanggap ilang buwan matapos ang paggawa ng 730.
Kailan darating ang rimborso 730 senza sostituto 2023?
Kung ginawa ang 730 senza sostituto d’imposta o nang walang withholding agent hanggang sa itinakdang deadline para sa taong 2023, ang IRPEF refund (ang credito na resulta matapos kalkulahin ang 730) ay direktang darating sa bank o postal current account o sa pamamagitan ng isang komunikasyon upang kunin ang refund sa post office.
Nakatakdang simulan ang pagbibigay ng rimborso 730 senza sostituto ngayong araw, December 19, 2023, sa buong Italya.
Gayunpaman, hindi lahat ay makakatanggap ng rimborso sa petsang nabanggit. Tanging ang mga nagbigay komunikasyon lamang ng tamang bank/postal account details bago ang buwan ng November 2023, ang makakatanggap ng refund hanggang sa katapusan ng December 2023.
Samantala, sakaling hindi naipagbigay-alam ang paraang nais upang matatanggap ang rimborso 730 senza sostituto, ang refund ay matatanggap hanggang sa Marzo 2024.
Para sa mga refund naman na higit sa € 4000, ang refund ay direktang darating mula sa Revenue Agency sa loob ng 6 na buwan makalipas ang deadline ng submission nito.