in

Agevolazione contributi, sakop ba ang mga colf, caregivers at babysitters?

Ako po ay isang colf. Ayon po sa aking bagong employer ay may posibilidad na exempted ako sa pagbabayad ng Inps. Sakop po ba ang mga colf ng insentibong ito?

Pebrero 16, 2015 – Ang Batas bilang 190/2014, hatid ng Legge di Stabilità 2015, upang mabawasan ang mataas na bilang ng mga nawalan ng trabaho, ay naglunsad ng isang mahalagang pagbabago na makakaapekto sa mga subordinate job, maliban sa domestic sector.

Ang pagpapagaan na ito ay hindi sakop ang domestic job (at apprenticeship) dahil ang halaga ng social security sa domestic job ay mababa na kumpara sa ordinaryong halaga nito. Ito ay nilinaw ng Inps sa pamamagitan ng Circular 17 ng 29/01/2015.

Samakatwid, ang sinumang nagnanais na mag-hire ng isang colf, ay obligasyon ng employer na magbayad ng kontribusyon tulad ng nasasaad sa table na ito, na walang anumang diskwento.

Sa ibang kaso, gayunpaman, ang mga employer ay may karapatang hindi bayaran ang kontribusyon sa Inps, maliban sa halaga at kontribusyon para sa INAIL, para sa lahat ng hiring bilang permanent worker (tempo indeterminato) mula Enero 1, 2015 hanggang Disyembre 31, 2015. Ang insentibo, gayunpaman, ay may maximum amount ng € 8060 kada taon sa loob ng 36 na buwan. Nililinaw din na para matanggap ang nasabing benepisyo, ang worker ay hindi dapat nagkaroon ng kontrata na tempo determinato, 6 na buwan bago ang hiring.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ISEE, ano ito at saan ito ginagamit?

Permit to stay sa sinumang makikipag-tulungang labanan ang terorismo