in

Aggiornamento carta di soggiorno, paano at kailan dapat gawin?

permesso-lungo-soggiornanti-ako-ay-pilipino

Ang dating carta di soggiorno o long term residence permit ay isang residence permit na permanente o walang expiration ngunit mayroong mga kaso kung saan ang holder ay obligadong ipagbigay alam ang anumang pagbabago sa mga datos na nilalaman nito.

Ang sinumang mayroong Permesso di Soggiorno di Lungo Periodo CE ay hindi kailangang mag-aplay ng renewal nito dahil ito ay permanente o walang expiration

Gayunpaman, ang holder nito ay obligadong ideklara ang bawat pagbabago sa mga datos na nilalaman nito sa mga susunod na taon matapos itong iisyu, sa pamamagitan ng Aggiornamento tulad ng: 

  • pagpalit ng address (cambio domicilio o residenza) at civil status; 
  • paglalagay ng anak na menor de edad na ipinanganak sa Italya o anak na mas bata sa 14 anyos na dumating mula sa sariling bansa sa pamamagitan ng family reunification process;
  • renewal ng pasaporte; 
  • update ng ID picture tuwing ika-5 taon;
  • sa kasong nawala o nanakaw ang dokumento.

Ang aggiornamento ay ginagawa sa pamamagitan ng pagsagot sa  modulo 1 ng kit mula sa anumang post office Sportello Amico. Maaari ring magtungo sa anumang tanggapan ng labor union o sindicati, patronati at mga authorized office para sa pagsagot ng modulo 1.

Ano ang mga dapat ilagay sa loob ng kit?

  • Modulo 1;
  • Marca da bollo €16,00;
  • Kopya ng carta di soggiorno;
  • Kopya ng pasaporte o ng travel document ng aplikante;
  • Kopya ng pasaporte o ng travel document ng anak na menor de edad na dumating sa Italya;
  • Atto di nascita at kopya ng pasaporte ng menor de edad na anak na isasama sa carta di soggiorno (kung ipinanganak sa Italya);
  • Kopya ng patunay ng bagong address at bagong scivil status;
  • Kopya ng Denuncia di furto o smarrimento (kung ito ay nawala) at kopya ng deklarasyon mula sa Embahada/Konsulado bilang kumpirmasyon ukol sa personal datas ng aplikante.

Ang Modulo 1 ng kit postale ay katumbas ng self certification o autocertificazione para sa cambio domicilio, inserimento del figlio infraquattordicenne, aggiornamento dati del pasaporto at aggiornamento delle fotografie

Sa pagsusumite ng kit ay kailangang bayaran ang: 

  • € 30,00 para sa Assicurata ng Poste Italiana;
  • € 30,46 para sa electronic permit to stay. 

Magbibigay ang post office ng resibo o cedolino. Karaniwang ibinibigay din ng post office ang petsa ng appointment o convocazione sa Ufficio Immigrazione ng Questura Centrale para sa finger printing. Ngunit dahil sa pandemya, ang appointment ay ipinapadala ngayon sa pamamagitan ng email ng aplikante. Sa araw na ito ay kailangan ang personal appearance ng anak. 

Sa araw ng appointment o Convocazione sa Questura ay kailangang dalhin ang mga sumusunod na dokumento:

  • ang lahat ng mga orihinal na dokumento na inilakip sa kit postale;
  • Bagong pasaporte;
  • ang original na resibo mula sa Posta sa pagpapadala ng Kit;
  • ang papel kung saan nasusulat ang araw ng appointment;
  • 4 ID pictures ng aplikante at ng anak na menor de edad;
  • Original na carta di soggiorno.

Makalipas ang humigit kumulang 90 araw ay ibibigay ang ikalawang petsa ng appointment para sa issuance ng updated carta di soggiorno. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

bakuna laban covid19 Ako ay Pilipino

Unang dosages ng bakuna laban Covid19, sa Enero 2021

third wave europa Ako ay Pilipino

WHO, nagbabala ng third wave sa Europa