in

Ako ay isang naturalized italian at nais kong bumalik na sa Pilipinas. Ano ang aking dapat gawin?

Magandang umaga. Ako ay isang naturalized Italian citizen ilang taon na, at nag-desisyong babalik na sa Pilipinas ‘for good’. Ayon sa ilang kaibigan ay kailangang i-report ito sa Comune. Ano po ang aking dapat gawin?

Ang mga mamamayang italyano, kabilang ang mga nagkaroon ng italian citizenship sa pamamagitan ng marriage at residency, na lalabas ng bansang Italya nang higit sa 12 buwan (1 taon) ay kailangang magpatala sa A.I.R.E. o anagrafe dei cittadini italiani residenti all’estero sa italian embassy o consulate sa bansang patutunguhan. Ang pagpapatalng ito ay libre.

Kung ang pananatili sa ibang bansa ay mas mababa sa 12 buwan o dahil sa seasonal job ay hindi kinakailangang magpatala sa A.I.R.E.

Sa lahat ng iba pang mga kaso, sa batas ay nasasaad na ang pagpapatala ay kailangang gawin sa loob ng 90 na araw mula sa muling pagpasok sa bansang Pilipinas. Gayunpaman ay pinahihintulutan pa rin ang pagpapatala makalipas ang 90 araw upang maging maayos ang sitwasyon sa anagrafe.

Sa pagpapatala ay dapat i-fill up ang isang form (makukuha sa website ng embahada) at ilakip ang kinakailangang papeles bilang patunay ng pagiging residente sa Italya tulad ng certificato di residenza, contratto di lavoro at iba pa. Kung ang pagpapatala ay gagawin nang ibang tao, kailangan ding ilakip ang kopya ng dokumento ng aplikante. Ang pagpapadala ng nabanggit na form at mga lakip na dokumento ay ipinapayong makipag-ugnayan sa Italian embassy.

Matapos ang pagpapatala ay ipapadala ito ng Embahada sa Comune di residenza sa Italya. Sa pagtanggap ng komunikasyong ito, ang Comune ay tatanggalin ang aplikante bilang residente sa Italya at ililipat sa registry ng mga mamamayang italyano na residente sa ibang bansa (anagrafe dei cittadini italiani residenti all’estero o A.I.R.E.)

Ang A.I.R.E. o anagrafe dei cittadini italiani residenti all’estero ay isang talaan na nagtataglay ng mga lahat ng mga datos ng mamamayang italyano na inilipat ang residency sa ibang bansa at dahil dito ay hindi na sila maituturing na residente sa Italya. Ang talaang ito ay iniingatan ng mga Comuni italiani batay sa datos at impormasyon buhat sa kanilang mga embahada sa ibang bansa.

Ang pagpapatala sa listahang ito ay isang karapatan at tungkulin ng mga mamamayang italyano na magpapahintulot sa pagtanggap ng mga serbisyo buhat sa embahada tulad ng releasing at renewal ng dokumento tulad ng carta d’identità, certificate of civil status: renewal ng italian driver’s license (kung lumipat sa non-EU countries); ang pagkakataong bumoto sa national election at reperendum at sa halalan ng European Parliament sa mga polling stations na inihanda ng Embahada.

Ang paga-update ng A.I.R.E. ay naka-dipende lamang sa aplikante, at dahil dito ay kailangan na sa tuwing magkakaroon ng pagbabago sa tirahan, sa civil status,kapanganakan ng isang bata o ang kamatayan ay kailangang ipagbigay-alam sa Embahada upang manatiling updated ang mga datos. Dapat ding tandaan na sa kasong ang mamamayang italyano ay maging untraceable sa huling tirahang idineklara nito, ang pagkakatala sa A.I.R.E. ay awtomatikong matatanggal.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ang mga benepisyo ng pagkain ng Pakwan

Mga dapat malaman tungkol sa sakit na Anemia