AKO AY ISANG TURISTANG PILIPINO, MAAARI BA AKONG MANATILI NG ITALYA UPANG MAGPAGAMOT?
Ako ay isang Pilipino, dumating sa Italya bilang isang turista sa loob ng tatlong buwan. Malapit ng matapos ang aking legal na pananatili dito sa Italya, ngunit sa kasalukuyan ako ay may sakit sa bato na patuloy ang paglala. Ako ay naka confine ngayon sa isang ospital dito sa Italya at nararapat na operahan sa lalong madaling panahon. Sa kasamaang palad, sa aking bansa ay di pa maaaring gamutin ang ganitong uri nga karamdaman. Maaari ba akong manatili ng legal dito sa Italya upang magpatuloy ng pagpapagamot at mapalitan ang deklarasyon ng aking pananatili sa Italya bilang isang turista?
ANG DEKLARASYON NG PANANATILI BILANG ISANG TURISTA SA BANSA AY DI MAAARING PALITAN O MAAARING PAHABAAN (O I RENEW). NGUNIT ANG BATAS AY NAGBIBIGAY NG PAGKAKATAON NA MAPAHABA ANG PANANATILI SA BANSA SA MGA PILI AT MABIBIGAT NA KADAHILANAN LAMANG TULAD NG KARAMDAMAN.
Ngunit ang pahintulot na ito ay nasa kamay lamang ng ‘QUESTURA’ na iyong kinasasakupan.
Sa iyong klagayan, maaaring mapahaba ang iyong pananatili sa bansa kung kumpleto ang mga kasulatan o mga dokumentasyon ng iyong kasalukuyang kalagayan.
NARARAPAT NA MAPATUNAYAN NA ANG IYONG KARAMDAMAN AY NANGANGAILANGAN NG MABILISANG GAMUTAN AT SA KASAMAANG PALAD AY WALA PA SA IYONG BAYAN.
Ang ospital o doktor ay maaaring gumawa ng mga kasulatan kung saan nasasad ang iyong kalagayan.
Ang sinumang dumarating bilang isang turista dito sa Italya ay walang karapatanng magpatala sa SSN (SISTEMA PARA SA KALUSUGANG NASYONAL) at kinakailangan ang ‘POLIZZA SANITARIA’ O HEALTH INSURANCE bago pa man siya dumating ng bansa. Sa ganitong pagkakatan dapat ay veripikahing mabuti sa kontrata kung sinasakop nitpo ang pagbabayad sa mga gastusin sa pagpapagamot.
Aking maipapayo sa iyo na lamani ang nilalamn ng kontrata: maaaring nasasaad na ikaw mismo ang dapat na magbayad ng lahat ng gastusin ng iyong pagpapagamot.
Maaari rin naman ang hindi pagbabayad ng mga gastusin o ang pagbabayad lamang tiket kung ang iyong bansa at Italya ay may kaukulang kasunduan.
Tungkol naman sa posibilidad ng pagpalit ng deklarasyo mula TURISMO sa MEDIKAL ( O PAGPAPAGAMOT) para sa akin, ito ay may kahirapan dahil iba ang ang mga requirements ng ganitong uri ng deklarasyon.
Partikular lalo na ang pagpasok dito sa Italya, kinakailangan ang isang ‘VISA’ para lamang sa pagpapagamot. Nararapat ang isang kasunduan mula sa ospital na syang gagamto at sa pasyente ang pag dedeposito ng kaukulang halaga na syang gagamitin sa pagpapagamot gayun din ang isang sapat na tirahan.
Ayon sa mga nagiging kasalukuyan kaso, ipinagkakait ng ‘QUESTURA’ ang pagpapalit ng deklarasyong ito.
Maaari rin ang iyong pananatili sa Italya, dahil ayon sa batas, dapat na ibigay sa sinumang nangangailangan ang isang mabilisan at mga pangunahing gamutan.