in

Ako ay may carta di soggiorno. Gaano katagal ako maaaring manatili sa labas ng bansang Italya?

Magandang umaga. Ako po ay isang Pilipina at mayroong EC long term residence permit. Ako po ay ilang buwan ng nasa Pilipinas. Gaano po katagal ako maaaring manatili sa labas ng bansang Italya ng hindi mawawalan ng bisa ang aking carta di soggiorno?

Ang mga EC long term residence permit holders ay maaaring lumabas ng EU, at samakatwid ng bansang Italya, para sa maximum period ng 12 consecutive months. Ito ay nangangahulugan na ang mga non-EU nationals, tulad ng Pilipino, na carta di soggiorno holder, ay maaaring umuwi sa Pilipinas o lumabas ng EU at maaaring manatili doon ng maximum period ng isang taon na walang panganib na mapawalang bisa ang dokumento.

Sa pagkakataong, ang carta di soggiorno holder ay pumasok sa ibang bansa ng EU at wala sa bansang Italya sa higit sa anim na taon, ay mawawalang bisa ang italian document. Kahit sa kasong bigyang muli ng EC long term residence permit sa ibang member state, ang italian document ay pawawalang bisa.

Hindi sa lahat ng pagkakataon na pinapawalang bisa ang dokumento ay pinapatawan ng order of expulsion ang mga non-EU nationals. Sa mga kasong nabanggit sa itaas, o sa kasong pinawalang bisa ang dokumento dahil sa mahabang panahon ng absence sa bansa o dahil sa pagkakaroon ng EC document sa ibang EU member state, kung ang dayuhan ay nagtataglay ng kundisyon na nababanggit sa D.Lgs. n. 286/98 ay maaaring pagkalooban ng ibang uri ng permit to stay, tulad ng sa trabaho (lavoro) o pampamilya (familiari).

Kung pinawalang bisa ang EC long term residence permit dahil sa isa sa mga nabanggit na dahilan, ang dayuhan, sa pagkakaroon ng mga requirements na hinihingi ng batas, ay maaaring muling magkaroon ng parehong dokumento. Ang pagkakaiba lamang ay ang pagkakaroon ng isang permit to stay na balido na hindi bababa sa 3 taon at hindi hihigit sa 5 taon, dahil hindi ito first issuance.

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 4]

Philippine driver’s license, maaaring gamitin sa pagmamaneho sa Italya? Kailan ito dapat i-convert?

Mga dapat malaman tungkol sa FOOD ALLERGY