in

Ako ay mayroong tourist visa, ang aking asawa ay dito sa Italya naninirahan. Ano ang aking dapat gawin upang manatili rin sa Italya?

Gamit ang isang tourist visa ako ay nakarating sa aking asawa sa Italya at ngayon ay isisilang ang aming magiging anak. Dalawang buwan na akong nahandito sa Italya at ako ay dapat ng bumalik sa aking sariling bansa matapos ang huling buwan ng validity ng aking visa. Siya ay mayroong permit to stay para sa trabaho. Nais kong manatili sa Italya at makasama sya. Ano ang aking dapat gawin?

altAng mga non-EU nationals ay maaaring magsama-sama ang pamilya sa Italya ngunit mayroong takdang palatuntuning dapat sundin ayon sa batas.

Ito ay ang tinatawag na ‘coesione familiare’ na magpapahintulot sa mga miyembro ng pamilya ng mga non-EU nationals na legal na naninirahan sa Italya upang maikuha ng residence permit o permit to stay para sa dahilan ng pamilya. Ang mga kinakailangan para sa ‘coesione familiare’ ay ang parehong mga requisites para sa ‘ricongiungimento familiare’. Ang ‘coesione familiare’ ay isang pamamaraan ng pagsama-sama ng pamilya na ang mga kapamilya ay nasa Italya nà, samantala sa pangalawang kaso naman, ang mga kapamilya ay nagmumula sa sarili bansa.

Ang ‘coesione familiare’,ayon sa art. 30 talata 1 sulat c) ng Immigration Law ay ang conversion ng unang inisyung permit to stay sa isang permit to stay para sa pamilya at maaari lamang gawin sa loob ng isang taon matapos ang expiration date nito.

Nangangahulugang, sinumang dumating sa Italya, halimbawa para mag-aral at mayroong student visa, ay maaaring i- convert ang kanyang permit to stay (para sa pag-aaral) sa isang permit to stay para sa pamilya kahit ito ay expired nà ngunit hindi pa nakakalipas ang isang taon o 12 buwan.

Sa kasong ito, maaaring pumili sa dalawang paraan.

1) Ang maybahay ay pumasok ng Italya para saturismoat kasalukuyang nagdadalang tao, maaaring humiling ng permit to stay para sa pag-papagamotsa Questura, lakipang medical certificate mula sa isang public health assistance kung saan nasasaad ang pagdadalang tao nito. Ang Questura ay maaaring mag isyu ng isang permit to stay na valid hanggang ika-anim na buwan ng bata. Pag natanggap ang hiniling na permit to stay ay maaari namang  i-prisinta ang request para sa coesione familiare upang mai-convert ang permit to stay para sa pag-papagamot sa isang permit to stay para sa pamilya.

Ang Ministry of Interior bilangtugon(sa isang circular noong Pebrero 5, 2009) sa isang katanungan ngQuestura saRomeay sinabina kahit naang dayuhannamayroong isangpermitto stay para sapag-papagamot na inisyu batay sapagbabawalngpagpapaaliso pagpapa deport ng mga nagdadalang-tao ayon sa batas (para rin sa asawa) ay maaaring humiling ng conversionpara sa isang permit to stay para sapamilyakung ang mga itoay nagtataglay ng mga requisites na hinihingi ng batas  (tulad ngregular napaninirahansa Italya ng asawa atangpagkakaroon ngaplikantengmga kinakailangang dokumento  para sa ricongiungimento familiare.

2) Ang maybahay, ay maaaring humiling ng coesione familiarsa loob ng isang taon matapos ang expiration ng kanyang permit to stay para sa turismo. Sa katunayan, ang batas sa kasalukuyan, ay hindi na kailangan pang mag-request ng permit to stay sa maikling panahon (hanggang 3 buwan) ng pananatili sa Italya (hal. Turismo at Business) gayunpaman, isang obligasyon na ideklara ang pagpasok  sa bansa. Sa ganoong kaso, para sa hangarin ng conversion, alamin ang expiration ng deklarasyon ng presensya na tumatagal ng: mula sa timbro Schengen sa pasaporte (kung nanggagaling sa nonEU contries); kopya ng statement na ibinigay ng Questura sa loob ng 8 araw ng pagdating sa Italya (kung nagmumula sa mga bansang Schengen)

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Isa sa bawat sampung manggagawa ay walang kontrata sa Italya

DRINK WATER ON EMPTY STOMACH