in

Ako ay nag-aplay ng italian citizenship higit 2 taon na ang nakakaraan. Apektado po ba ang aking aplikasyon ng bagong batas?

Sa pamamagitan ng isang Circular ng Ministry of Interior ng January 25, 2019 bilang 6204 ay ipinaliwanag ng Minister of Interior ang ukol sa 4 na taong proseso ng mga aplikasyon ng italian citizenship pati na rin ang Italian test para dito.

Ang Decreto Salvini o Decreto legge 2 ottobre 2018 bilang 113, na isinabatas ng may mga susog sa artikulo 1 talata 1 ng batas Dec 1, 2018 bilang 132, “Modifiche in materia di cittadinanza” ay naging sanhi ng mga pagbabago at karagdagang puntos sa Batas n. 91 ng 1992.

Sa nasabing Circular ay kinumpirma ng Viminale na ang proseso sa italian citizenship for residency at for marriage ay itinaas sa 4 na taon o 48 buwan mula sa pagsasabatas ng nasabing dekreto.

Ang nabanggit na 4 na taong processing ay nasasaklaw ang lahat ng aplikasyon na isusumite sa pagpapatupad ng naturang batas at kasama rin ang mga aplikasyong nakapasok na, partikular ang mga nasa “procedimenti in corso” o ang mga aplikasyon na hindi pa ganap na tapos ang hanggang sa petsa ng Oct 5, 2018.

Samakatwid, ito ay ang mga aplikasyon na wala pang pinal na desisyon kahit na ang batas na ipinatutupad noong isumite ang mga ito ay nagsasaad ng dalawang taon o 24 na buwan lamang na proseso sa mga ito.

 

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 1]

Assegno sociale, matitigil ba sa pagbabakasyon sa Pilipinas?

Italian language exam, uulitin ba ng mga may permesso lungo soggiornanti sa pag-aaplay ng italian citizenship?