Magandang umaga, ako ay ipinanganak sa Pilipinas at matapos ang maraming taon ng paghihintay, ako ay naging isang mamamayang Italyano sa wakas. Ang aking anak, ay nasa husto ng gulang at residente sa Italya at aking kapisan. Nalalapit na ang expiration ng kanyang permit to stay, maaari ba syang manatiling regular sa Italya?
Roma – Dec 7, 2012 – Ang sitwasyon ng inyong anak ay napapaloob sa legislative decree 30 ng 2007 (European Directive n 2004/38/EC.) na nasasakop ang pagpasok at pananatili ng mga EU nationals at ng mga miyembro ng pamilya na non-EU nationals. Para sa mga huling nabanggit, ay nasasaad ang pagkakaloob ng carta di soggiorno, batay sa pagsusumite ng mga requirements na kinakailangan, una na dito ang degree of kinship sa EU national (sa ating katanungan ang degree of kinship ng anak na Pilipino sa magulang na naging Italyano).
Ang mga miyembro ng pamilya na maaaring bigyan ng long term residence permit o carta di soggiorno ay nasasaad sa Artikulo 2 at 10 ng batas na nabanggit:
– ang asawa na naninirahan sa Italya at kapisan ng mamamayang naging Italyano;
– ang inapo o descendant ng mamamayang naging Italyano o ng asawa nito, kung mas bata sa 21 anyos, residente at kapisan;
– ang inapo o descendant ng mamamayang naging Italyano o ng asawa nito, higit sa edad na 21, residente, kapisan at dependant;
– ascendant (ang magulang) ng mamamyang naging Italyano at asawa nito, kung kapisan, residente at dependant.
Kabilang sa mga miyembro ng pamilya ay nasasaad din ang partner of sama sex na mayroong kontrata ng kasal sa isang mamamayan ng EU at rehistrado ayon sa batas ng bansang miyembro ng EU.
Ang EC long term residence permit o ang carta di soggiorno
Ang anak na non-EU national ng isang naging mamamayang Italyano, ay maaaring mag-request ng carta di soggiorno kung ang edad ay hindi lalampas sa 21 anyos. Sa sandaling higit sa 21 anyos, upang makapag-request ng carta di soggiorno, bukod sa requirement ng pamumuhay kasama o kapisan ang anak at dapat rin na dependant ito ng magulang na Italian citizen. Upang isaalang-alang na dependant ay kailangang sangguniin ang sahod ng anak na hindi lalampas sa itinakdang sahod na gross income na € 2,840.51.
Ang pagkakaroon ng dependant, ay maaaring gawan ng self-certification (autocertificazione) ngnaging mamamayang Italyano, ayon sa D.P.R. 445 ng 2000. Gayunpaman, kailangan ding ipakita ng Italian citizen ang pagkakaroon ng sapat na kita upang matugunan ang pangangailangan ng dependant.
Kung hindi nagtataglay ng mga requirements ang anak na Pilipino para sa releasing ng carta di soggiorno, ipinapaalala rin na nagsasaad sa TU ang pagiging exempted sa expulsion ng mga dayuhang naninirahang kapisan ang kamag-anak hanggang second degree o ang asawa ng naging mamamayang Italyano na maaaring pagkalooban ng permit to stay na pang-pamilya.