Bagaman akala ng marami ay pareho, ang carta di soggiorno at permesso di soggiorno UE per soggiornanti di lungo period, kilala din sa tawag na EC long term residence permit, ay magkaibang uri ng permesso di soggiorno, may magkaibang requirements at iniisyu rin sa magkaibang kundisyon.
Carta di Soggiorno
Ang carta di soggiorno ay isang uri ng dokumento na nagpapahintulot sa mga miyembro ng pamilya ng isang EU citizen, partikular ng Italian citizen, na manatili sa Italya ng higit sa tatlong (3) buwan batay sa kundisyon na itinalaga ng batas sa public security at matapos mapatunayan ang pagkakaroon ng mga itinalagang requirements.
Sa katunayan, sa batas Feb 6 2007 bilang 30, ay nasasaad ang mga pangunahing kaso kung kailan ibinibigay ang carta di soggiorno sa mga miyembro ng pamilya (na hindi Europeans) ng Italian citizen na nais manirahan sa bansa ng higit sa tatlong (3) buwan. Sa ganitong mga kaso, ang carta di soggiorno ay maaaring i-request para sa mga sumusunod:
- asawa;
- menor de edad na anak ng asawa o higit sa 21 anyos kung hindi pa ‘carico’ ng Italian citizen;
- grandparents o magulang na ‘carico’ ng EU citizen o ng kanyang asawa.
Matapos maisumite ang mga itinalagang requirements, ang Questura ay magre-release ng carta di soggiorno per familiare di cittadini UE na papel na balido ng limang (5) taon. Ang ganitong uri ng dokumento ay ibinibigay sa mga non-EU nationals sa kapisan o ‘carico’ (dependent) ng Italian citizen na regular at tuluy-tuloy ang pananatili sa bansa.
Ibinibigay rin ito matapos ang kasal sa pagitan ng isang Italian at non-EU national.
TANDAAN: Ito ang uri ng permesso di soggiorno na kailangang gawin ang aggiornamento o update sa lalong madaling panahon. Ang mga papael na carta di soggiorno na iniisyu sa mga non-EU family members ng mga European citizens ay mananatili na lamang balido hanggang August 3, 2023. Ito ay bilang pagtugon sa mga bagong EU security regulations. Ang mga papel na carta di soggiorno na iniisyu sa mga non-EU family members ng mga European citizens ay tatanggalin na at papalitan ng electronic format o e-card.
Basahin din:
- Carta di soggiorno at Permesso di soggiorno UE per soggiornanti di lungo period, ano ang pagkakaiba?
- Carta di soggiorno per familiari di cittadini UE, e-card na!
Permesso di Soggiorno UE per soggiornanti di lungo periodo
Samantala, ang Permesso di soggiorno UE per soggiornanti di lungo periodo, na noon ay tinawag na carta di soggiorno ay ibinibigay naman sa mga dayuhang mamamayan na napatunayan ang pagiging regular na residente sa bansa at pagkakaroon ng sapat na sahod. Samakatwid, mga permanenteng naninirahan sa Italya.
Ang mga mayroon ng huling nabanggit na uri ng dokumento ay maaaring manatili, mag-aral at kahit mag-trabaho sa ibang EU countries ng higit sa tatlong buwan na hindi kakailanganin ang entry at/o working visa.
Bukod dito, ang validity ng permesso di soggiorno UE per soggiornanti di lungo periodoay nasusulat na illimitato walang limitasyon o walang expiry date, hanggang sa taong 2021.
Ang Dekreto ng January 20, 2021 ng Ministry of Interior, ay naglalaman ng “Mga panuntunan sa security ng permesso di soggiorno” na itinalaga ang limitadong validity ng 10 taon, sa halip na walang limitasyon.
Sa katunayan, simula 2021, ang mga permesso di soggiorno UE per soggiornanti di lungo periodo ay may 10 taong validity mula sa releasing nito. Ito ay hindi tumutukoy sa expiration ng nasabing dokumento ngunit sa panahon para sa paga-upadte ng datos ng nagmamay-ari nito
Sa kadahilanang ito, ang mga nagmamay-ari ng permesso per lungo soggiornanti illimitato na inisyu ng sampung taon na ang nakakaraan, at hindi pa nakakapag-update ay inaanyayahang gawin ang ‘aggiornamento’ ng nasabing dokumento. (PGA)