in
Ang mga colf ba ay obligadong gumawa ng income tax return o dichiarazione dei redditi?
Ako ay isang Pilipina at nagta trabaho bilang isang colf para sa isang pamilya. Obligado ba akong gawin ang income tax return dichiarazione dei redditi ?
altRome – Bawat domestic worker (colf, care giver etc..) ay tumatanggap ng isang net salary mula sa employer ayon sa kontribusyon na binabayaran ng quarterly period sa INPS.
Sa mga kontribusyong ito ay hindi kasama ang bahagi na bawat mamamayan ay kinakailangang bayaran bilang buwis upang makatanggap ng serbisyo mula sa mga pampublikong tanggapan (mga paaralan, ospital, munisipyo, atbp.).
Sa ilalim ng batas sa Italya, sa katunayan, ang sinumang manggagawa na tumatanggap ng kita o sahod sa Italya, bilang isang empleyado o self-employed ay nararapat bawat taon ang gumawa ng income tax return, kung saan sa pamamgitan nito ay inihahayag sa Estado ang kabuuang kita sa isang taon. Kaugnay sa naging kabuuang sahod sa isang taon ay may buwis na dapat bayaran alinsunod sa itinaguyod ng batas. Malinaw na mas mataas ang kinita ay mas mataas din ang halaga na babayaran ng Estado.
Ang alituntunin sa pagbabayad ng buwis ay nagsasaad na hindi na kinakailangan na magsumite ng tax return ang sinumang hindi aabot o lalampas sa halagang itinakda ng batas.
Samakatwid, ang isang colf o care giver na nagta trabaho ng 365 araw sa isang taon, ayon sa batas, ay may ‘discount’ o diskwento  na katumbas ng buwis hanggang sa isang taxable income na € 8,000.00, sa kasong ito ay walang dapat bayaran sa Estado at samakatuwid walang dapat na isinumiteng income tax return. Mayroon ding iba pang anyo ng ‘discount’ tulad ng sustentadong mga bata, mga medikal na gastos, atbp. Samakatuwid, kung ang kabuuang kita ng isang empleyado, ay lumampas sa limitasyon o sa itinakda, kailangang alaming mabuti dahil isang obligasyon ang pagsusumite ng deklarasyon o ang maaring exemption sa deklarasyon.
Dapat alamin ng mga manggagawa bawat taon kung kinakailangan o hindi ang paggawa ng income tax return at magbayad ng kaukulang buwis. Ang deklarasyong ito ay tinatawag na “Modello Unico” at nararapat na kumpilahan sa buwan ng Mayo at Hunyo. Ito ay para rin sa mga manggagawang italyano sa loob at labas ng bansa.
Upang maberipika ng mabuti, ay kinakailangang sumangguni sa mga  commercialisti (accountant) o CAF (Public Service Assistance), at dalhin ang mga sumusunod na dokumento:
1) CUD (certification na ibinibigay ng mga employer kung saan nasasad ang kinita sa taong 2010).
2) Tax code (codice fiscale) ng manggagawa, ng asawa at sustentado mga bata. Para sa mga dayuhang manggagawa ay sapat na ang pagkakaroon ng ‘family composition statement’ (stato di famiglia) kung ang mga anak ay naninirahan sa Italya o alinmang katumbas na dokumentasyon na ibinigay ng sariling bansa, isinalin sa wikang Italyano at authenticated ng  konsulado ng Italya sa sariling bansa.
3) Anumang gastusing para sa pangangalaga ng kalusugan sa taong 2010 (medical check up, mga gamot, atbp.), bayarin sa housing loan, reconstruction expenses, gastos para sa sport ng mga anak.
Ang consultant o ang operator ng CAF, sa pamamagitan ng pagsusuri ng lahat ng mga dokumento, ay maaring matukoy kung ang colf ay dapat na magsumite ng deklarasyon at magbayad ng mga buwis (income tax).
DICHIARAZIONE SOSTITUTIVA CUD
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]
Miss Pisa Jessalyn Salazar tinanghal na “Miss Teenage Princess 2011” ng Filcom, Empoli
Domestic work exacts a physical toll, says study