Ang isang ofw na nagtrabaho ng isang taon o higit pa at magba-balikbayan ay pwedeng magdala ng electronical appoainces na walang babayrang custom duties and taxes.
Rome, Abril 13, 2012 – Ayon sa Article 105 ng Tariff and Customs Code of the Philippines, ang sinumang Overseas Filipino Workers (OFW) na nagtrabaho ng isang taon o mahigit sa ibang bansa o isang balikbayan, ay pwedeng magdala ng kanyang used personal belongings na hindi for commercial quantity (maramihang pantinda) at padating ito within a reasonable time sa pag-uwi niya.
Kasama dito ang duty-free items katulad ng wine and liquor na hindi lalampas ng two bottles, tobacco and cigarettes na hindi lalampas ng 200 sticks, cosmetics and perfumery na hindi lalampas ng one bottle.
Pwede rin ang OFW/Balikbayan na magdala ng duty-free used electric or electronic appliances, one of each kind na hindi lalampas sa halagang P100,000.00.
Ang mga ito ay tinatawag na conditionally free imported articles na kung saan ay hindi sinisingilan ng customs duties and taxes. (Atty. Marlon Valderama – www.e-lawyersonline.com)