Sa paghihintay ng dayuhan sa resulta ng aplikasyon ng Regularization, narito ang FAQs mula sa eksperto.
Anu-ano ang karapatan ng mga dayuhang naghihintay ng resulta ng Regularization?
Ang dayuhan sa Italya ay may mga sumusunod na karapatan:
- Hindi maaaring patalsikin: Habang walang ‘provvedimento di diniego’ o komunikasyon na refuse ang aplikasyon, ang dayuhan ay may regular na sitwasyon sa bansa maliban na lamang sa pagkakaroon ng mga hadlang na magiging dahilan ng hindi pagtanggap sa aplikasyon;
- Patuloy na makakapag-trabaho (sa sektor na pinahihintulutan ng batas);
- Maaaring mag-aplay at magkaroon ng tessera sanitaria provvisoria;
- Suspendido ang mga legal actions (penal at administrative) laban sa employer dahil sa page-empleyo sa isang undocumented na naghihintay ng resulta ng regularization at laban sa worker sa iligal na pagpasok at/o pananatili sa bansa.
Anu-ano naman ang mga obligasyon ng dayuhan?
Obligasyon ng dayuhan na ipagbigay alam ang anumang pagbabago na nauugnay sa trabaho o tirahan sa Prefecture na kinasasakupan.
Maaari bang magpunta sa ibang bansa ang dayuhan habang naghihintay ng resulta ng Regularization?
Hindi maaari. Ang resibo ng aplikasyon ng Regularization ay hindi nagpapahintulot na magpunta sa ibang bansa. Kung sakaling lalabas ng bansa, kahit pa ang pagbabakasyon sa sariling bansa, ay hindi maaaring makabalik sa Italya kung ang hawak lamang ay ang resibo ng aplikasyon ng Regularization. Kakailanganin ang partikular na re-entry visa na ibinibigay lamang sa iilang kaso lamang.
Ano ang mangyayari kung sa paghihintay ng resulta ay mamatay ang employer?
Kung ang rapporto di lavoro o trabaho ay magtatapos per causa di forza maggiore o hindi mapipigilang pagkakataon tulad ng pagkamatay ng employer o pagkalugi ng kumpanya, bago matapos ang proseso ng Regularization, ang dayuhan ay maaaring humiling ng pagpapatuloy ng rapporto di lavoro sa ibang employer (halimbawa isang miyembro ng pamilya ng employer na namatay), sa pamamagitan ng angkop na bahagi sa website ng Ministero dell’Interno. Kung hindi posible na ipagpatuloy ang trabaho sa paraang nabanggit, ang dayuhan ay maaaring mag-aplay ng permesso di soggiorno per attesa occupazione.
Ano ang mangyayari kung mawalan ng trabaho ang dayuhan?
Sa kasong mawalan ng trabaho ang dayuhan, alinsunod sa Circular ng Ministry of Interior noong nakaraang Nov. 17, 2020, ang employer ay kailangang ipagbigay alam ang pagtatapos ng trabaho. Kailangan ang magpunta rin sa Prefecture kasama ang worker, at magbigay ng mga dahilan sa pagtatapos ng rapporto di lavoro.
Gayunpman, ay pipirmahan pa din ang contratto di soggiorno, sa panahong nag-trabaho ang dayuhan at pagkatapos ay maaaring suriin ng Sportello Unico Immigrazione ang pagbibigay ng permesso di soggiorno per attesa occupazione.
Kung sakaling hindi magkaroon ng bagong trabaho bago ang petsa ng convocazione o appointment, ay maaaring mag-aplay pa rin ng permesso di soggiorno per attesa occupazione at ang Sportello Unico ang magsusuri sa posibilidad ng pagbibigay ng permesso.
Paano malalaman ang estado ng aplikasyon?
Ang employer ay maaaring suriin ang estado ng aplikasyon sa website ng Ministry of Interior kung saan isinumite ang aplikasyon, gamit ang SPID.
Maaari ding gumawa ng request ‘accesso agli atti’ o access sa mga dokumento sa Prefecture, Sportello Unico Immigrazione sa pamamagitan ng pec o certified email, sa pamamagitan ng paglalagay ng codice identificativo ng aplikasyon.
Sino ang magbabayad ng mga kontribusyon?
Kailangang kilalanin ang dalawang sitwasyon:
- Aplikasyon ng Regularization ng existing na irregular job: Sa kasong ito ay ang Inps ang magpapadala sa employer ng bollettini ng kontribusyon na dapat bayaran;
- Deklarasyon ng pagnanais na tapusin ang kontrata: Oktubre 10 ang deadline mula sa INPS para sa pagpapadala ng Comunicazione obbligatoria di assunzione, samakatwid, pagkatapos ng nasabing deklarasyon ay available ang mga bollettini na ginawa sa website ng Inps at ito ay maaaring i-download ng mga employer.
Anu-ano ang mga dokumento na dapat ihanda para sa convocazione sa Prefecture?
Lavoro domestico:
- Balidong ID (o permesso di soggiorno) ng employer;
- Pasaporte ng aplikante;
- Dokumentasyon na nagpapatunay sa kita o sahod (730 / cud / unico);
- Sertipiko ng idoneità alloggiativa;
- resibo ng F24 ng contributo forfettario
- marca da bollo € 16
Lavoro agricolo:
- Carta d’identità at codice fiscale ng employer;
- Pasaporte ng aplikante;
- Visura camerale;
- Matricola Inps (kung Ditta individuale),
- resibo ng F24 ng contributo forfettario
- marca da bollo € 16
ni: Avvocato Federica Merlo, para sa Stranieri in Italia
Basahin din:
- Permesso per Attesa Occupazione ng Regularization 2020, kailan ibinibigay?
- Idoneità Alloggiativa at Authorized person ng employer, paglilinaw ng Ministry of Interior
- Ano ang Idoneità Alloggiativa?