Ang pag-iwan ng anak sa kamag-anak ay hindi abandonment at hindi nakakawala ng karapatan ng magulang sa kanyang anak na bawiin ito.
Ang pag-iwan ng magulang sa kanyang anak sa mga relative ng kanyang asawa ay hindi nakakawala ng karapatan ng magulang upang makuha uli ang custody ng anak dahil hindi ito abandonment. Ang pag-iiwan ay isa lamang temporary custody at hindi abandonment o pagwawaksi ng parental authority sa bata.
Sa kaso ng Supreme Court sa Sagala-Eslao vs Court of Appeals (G.R. No. 116773. January 16, 1997), sinabi dito na nawawala lang ang parental authority ng magulang sa kanyang anak kung ito ay kanyang
(1) pina-adopt,
(2) kung siya ay nabaliw at under guardianship ng korte o
(3) pag-surrender ng bata sa orphanage.
Kung wala dito sa tatlong nabanggit ng batas, pwedeng mabawi ang custody ng bata sa pinag-iwanan nito. (Atty. Marlon Valderama – www.e-lawyersonline.com)