in

Ang tamang sukat ng bahay sa pag-aaplay ng family reunification

Ako ay nag-aplay ng family reunification para sa pagpunta ng aking pamilya sa Italya. Kailangan kong mag-submit ng idoneità alloggiativa. Ano po ito at ano ang laki o sukat ng bahay na hinihingi ng batas?

Ang certificato di idoneità alloggiativa ay kinakailangan sa iba’t ibang dokumentasyon ng mga imigrante sa Italya. Mula sa family reunification, direct hiring para sa trabaho hanggang sa paga-aplay ng EC long term residence permit o carta di soggiorno.

Ito ay ibinibigay ng Comune at ito ang nagtatalaga kung ang isang bahay ay angkop upang tirahan ng mga naninirahan dito. Ang pangunahing parameters na batayan ay pareho para sa mga Italians at imigrante at pareho sa buong Italya.

At dahil dito ang Minsitry of Interior, sa pamamagitan ng Circular 7170 ng Nov 18, 2009, ay inanyayahan ang mga Comune na gawing sanggunian ang “Dekreto July 5, 1975 ng Ministry of Health na nagtatalaga ng mga pangunahing pamantayan sa kalusugan at kalinisan ng mga tahanan at minimum requirements sa laki ng tahanan, batay sa bilang ng mga naninirahan dito”.

Ang dekretong nabanggit, ay nagtatalaga rin ng taas ng kisame na 2,70 meters at maaaring maging 2,40 m sa corridors, lobbies, banyo, lavatories at closet. Sa kabundukan (bukod sa ilang ilang libong metro ang layo sa dagat ang minimum na taas ay maaaring 2.55 m).

Dapat ding mayroong 14 square meters kada tao sa unang apat na naninirahan, at 10 square meters mula ika-limang naninirahan (samakatwid, ang isang bahay para sa anim na katao ay kailangang 76 sq meters ang laki).

Ang mga kwarto ay kailangang hindi bababa sa 9 sq meters kung dito ay natutulog laamang ay isang tao, at hindi dapat bababa sa 14 square meters kung dalawang tao ang natutulog dito at kailangan ang pagkakaroon ng bintana na maaaring buksan sa kwarto, salas at kusina.

Ang parameters ay naiiba para sa mga studio unit o monolocale. Kung isang tao lamang ang naninirahan dito, ay kailangang magkaroon ng minimum required na laki kasama ang banyo na hindi bababa sa 28 sq meters. Ngunit kung dalawang tao ang naninirahan dito ay tataas sa 38 square meters ang laking kailangan.

Ayon pa sa dekreto ang mga bahay ay dapat na nagtataglay ng heater, ang kwarto ay kailangang may bintana para maging maliwanag at maaaring buksan para sa paglabas at pasok ng hangin, mayroong exhaust fan sa kusina at banyo.

Bawat bahay ay mayroong isang banyo kung saan mayroong toilet, bidet, shower at wash basin.

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Wanted na Pinoy na nahaharap sa kasong pagpatay sa Batangas, arestado sa Roma

40 anyos at nais matanggal ang ‘bilbil’ sa tiyan, narito ang dapat gawin