in

Ano ang dapat gawin kapag nawala ang permit to stay na malapit na ang expiration?

Nawala ang aking permit to stay at nalalapit na ang expiration nito. Paano ko ito mare-renew?

Rome, Dis 28, 2012 – Ang unang dapat gawin kung sakaling mawawala ang permit to stay ay ang pagre-report nito sa pinakamalapit na himpilan ng mga pulis (Carabinieri), upang maprotektahan ang sarili sa kasong ang nawalang permit to stay ay gamitin sa mga ilegal na gawain. Ang operator ng himpilan ay magbibigay ng kopya ng idinulog na reklamo upang magamit sa paghingi ng isang duplicate copy o sa kasong nalalapit na ang expiration, ang makapag request ng renewal nito.

Para sa renewal ng permit to stay, ang non-EU national ay dapat mag fill-up ng kit na matatagpuan sa mga post offices kung saan ang serbisyo ng “Sportello Amico” ay aktibo. Ang kit ay dapat na makumpleto sa lahat ng impormasyong hinihingi nito kaugnayan ng uri ng aplikasyon (renewal ng subordinate job o self-employment, pang-pamilya, pag-aaral, atbp.) at kailangan ilakip ang kopya ng mga sumusunod na dokumento:

• kopya ng pasaporte (mga pahina kung saan makikita ang timbro ng entry at exit sa bansang Italya pati na rin ang pahina na mayroong personal datas, larawan at timbro ng tanggapang nag-isyu ng pasaporte);
• kopya ng dokumentasyon na nagpapatunay sa kita o sahod upang matugunan ang sariling pangangailangan sa Italya (payroll, kontrata ng trabaho, bollettini INPS para sa mga domestic workers at caregivers, kopya ng CUD atbp.) ng aplikante o ng miyembro ng pamilya;
• kopya ng dokumentasyon na nagpapatunay ng tirahan (kontrata sa upa ng apartment, cessione fabbricato);
• kopya ng deklarasyon ng pagkakawala ng permit to stay;
• kopya ng fiscal code;
• kung mayroong kopya ng permit to stay na nawala, ay dapat ilakip din ito.

Ang postal operator sa pagsusumite ng kit para sa renewal, ay ibibigay din ang araw ng appointment sa himpilan ng pulis na responsable para sa fingerprint (fotosegnalamento). Ang aplikante sa araw ng appointment ay dapat dalhin ang lahat ng mga orihinal na dokumento na naka-lakip sa aplikasyon ng renewal kasama ang denuncia o report ng pagkakawala ng nabanggit na dokumento at 4 na ID pictures na mayroong white background. Ang Questura ay susuriin ang aplikasyon at ang mga dokumentasyong nakalakip dito. Kung positibo ang resulta, ay ipagkakaloob ang bagong permit to stay.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Programa ni Monti, nalimutan ang imigrasyon

Bawal ang inuman sa mga kalsada sa Maynila sa Bagong Taon