Kapag ang produkto ay may depekto ang consumer ay dapat magbigay abiso sa nagbenta, mas mabuti ang isang registered mail with return card (bilang patunay ng komunikasyon at sa kaso ng pagtanggi kung sakaling aabot sa hukom).
Ang consumer ay dapat na ipaalam sa vendor ang depekto sa loob ng dalawang buwan matapos matuklasan ito. Kung ang depekto ay natuklasan naman sa loob ng 6 na buwan mula sa araw ng pagkakabili o pagkakahatid ng produkto, ipinapalagay na ito ay isang factory defect at ang consumer ay hindi dapat magbigay ng anumang ebidensiya. Ngunit kung ang depekto ay natuklasan pagkalipas ng 6 na buwan, ang consumer ay dapat na patunayan na ang depekto ay nasa produkto pagkabili o pagka deliver pa lamang nito.
Kapag ang produkto ay nagpakita ng mga depekto, ang consumer may karapatan sa pagkumpuni o palitan ang produkto ng libre o, sa mga partikular na kaso, isang pagbabawas presyo hanggang sa pagtatapos ng kontrata.
Kung magiging mabigat para sa vendor ang anumang naging desisyon ng consumer (o masyadong magiging malaki ang gastos para sa vendor) o hindi, ay maaaring humiling ng pagkakansela ng kontrata (halimbawa ang kotse na may depekto na sanhi ng hindi na paggamit dito).
Ang pagkumpuni o ang palitan ang produkto ay dapat na ginagawa sa loob ng takdang panahon, na karaniwang depende sa uri ng produkto. Ito ay maaari ring pagkasunduan ng dalawang parte. Kung ang vendor ay hindi ipakukumpuni o papalitan ang produkto sa loob ng panahong napagkasunduan, o kung ang kapalit o pagkumpuni ng produkto ay nagdulot ng abala sa consumer, ito ay maaaring humiling ng kanselasyon ng kontrata.
Sa kaso ng pagtanggi ng vendor, maaari lamang lumapit sa awtoridad ng hukuman pagkatapos ng pagkumpuni, pagpalit ng produkto o pagbabawas presyo ng produkto.
Inirerekomenda sa mga ganitong kaso na makipag-ugnay sa isang abogado o isang asosasyon ng mga consumer.