in

Ano ang DSWD Travel Clearance?

Ang DSWD TRAVEL CLEARANCE ay isang dokumento na kailangan upang makalabas ang isang Filipinong menor de edad ng Pilipinas papuntang ibang bansa. Ang pagtatangka na ilabas sa bansa ang isang anak na walang kaukulang pahintulot ay isang krimen.

Ito ay isang dokumento na ibinibigay ng Department of Social Welfare and Development sa isang batang Filipino na below 18 years of age na papuntang ibang bansa na mag-isa o may ibang tao na kasama na hindi niya magulang.

Ang DSWD Travel Clearance ay hindi na kailangan kung kasama niya ang isa o parehong niyang magulang, o kasama niya ang nanay/tatay bilang solo parent o ang kanyang legal guardian. Hindi na rin ito kailangan kung ang kanyang magulang ay naninirahan na sa bansang pupuntahan o immigrant na. Hindi na rin ito kailangan kung ang kanyang magulang ay nagtratrabaho sa Philippine Embassy sa bansa na kanyang pupuntahan.

Kailangan maipakita ng minor sa Philippine Immigration na mayroon valid pass katulad ng dependents visa/pass/identification card or a permanent resident visa/pass/identification card. Ang mga dokumentong ito ay mga katibayan na ang minor child ay naninirahan sa abroad kasama ang magulang at ang kanyang travel does not constitute child trafficking.

Ang DSWD travel clearance ay valid from the date of issuance either for a period of one year or two years. Pwede itong gamitin lagi once na ito ay ma-issue as long as hindi nababago ang mga condition nito ng pagkakaissue katulad ng pangalan ng taong kasama ng bata. Kung nabago ang pangalan ng kasama ng bata, kailangan kumuha ng bagong DSWD travel clearance.

Nasa Section 8 (a) ng Republic Act No. 7610 otherwise known as the Anti-Child Abuse Law na ang pagtatangkang paglalabas ng anak papuntang ibang bansa ng nagsosolo at walang rason, o walang DSWD Clearance o walang written permission ng kanyang magulang o guardian ay isang krimen ng child trafficking at may kaparusahan na prision mayor na pagkakakulong (6-12 years). (ni: Atty. Marlon Valderama – www.e-lawyersonline.com)

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Inilaang quota para sa conversion ng permit to stay, marami pa rin!

Lahat ay kabilang sa isang bagong kasunduan ukol sa kalusugan ng mga migrante