Nakuha ko na ang aking renewed permesso di soggiorno per motivi familiari at aking napansin ang nakasulat dito na “perm. unico lavoro”. Ano po ang ibig sabihin nito?
Ang salitang “permesso unico lavoro” ay makikitang nakasulat simula noong 2014 sa ilang uri ng permit to stay o permesso di soggiorno ng may isa o dalawang taong validity na nagpapahintulot makapag-trabaho sa nagmamay-ari nito tulad ng mga permesso di soggiorno per motivi familiari.
Ito ay tumutukoy sa iisang dokumento para sa pananatili at pagta-trabaho sa bansang nag-isyu ng dokumento. Ang salitang ito, sa katunayan, ay inilalagay batay sa Batas bilang 40/2014, na nagpapahintulot sa may-ari na malaman ang mga karapatang napapaloob sa uri ng dokumentong hawak. Ang mga impormasyon sa katunayan, ay ibinibigay sa araw na pirmahan ang ‘integration agreement’. Bukod dito, ang salitang nabanggit, ay magpapahintulot sa mga employers na maintindihan kung sino ang mga maaaring i-hire o hindi, tulad ng nagma-may-ari ng ibang uri ng permit to stay na hindi balido para sa trabaho.
Ang uring ito ng permit to stay, tulad ng nasaaad sa Batas 2011/98/EU, ay nagpapahintulot sa malayang pagpasok, paglabas at pananatili sa bansang nag-isyu ng dokumento at sa pansamantalang pagbisita sa EU countries para sa maikling pananatili (higit sa 90 araw tuwing 6 na buwan). Gayunpaman, ang permesso unico lavoro ay hindi balido para mag- trabaho sa ibang EU country dahil ito ay hindi EC long term residence permit o carta di soggiorno.
Ang ilang uri ng permit to stay, na maaaring magamit sa trabaho, gayunpaman, ay walang salitang “permesso unico lavoro” tulad ng:
• permit to stay na inisyu sa miyembro ng pmailya ng EU nationals;
• carta di soggiorno;
• EU carta blu;
• permit to stay for seasonal workers;
• permit to stay for self-employment,
• permit to stay batay sa artikulo 27, talata 1, letra a, g, h, i e r,
• permit to stay for students (pinahihintulutan ang mag-trabaho hanggang 1044 hrs. sa isang taon)
• permit to stay for international protection purposes (humanitarian, refugee)