Una sa lahat dapat tandaan na kinikilala ng batas ng Italya ang karapatan sa urgent, essential at continous medical assistance kahit sa mga dayuhang walang permesso di soggiorno, katulad ng mga mamamayang Italyano at dayuhang regular sa bansa, na mayroong ibang patakaran tungkol sa pagbabayad ng mga medical expenses.
Sa katunayan, ang mga naka-register sa National Health Service ng Italya ay bahagi sa mga gastusin sa pangangalagang pangkalusugan sa pamamagitan ng mga buwis na binayaran sa pamamagitan ng dichiarazione dei redditi o tax return, at samakatuwid ang binabayaran na lamang ay ang tiket sanitario.
Sa kabilang banda, ang mga may hawak ng STP (identification code – Temporarily Present Foreigner) dahil walang permesso di soggiorno, ay kailangang magbayad sa tuwing magpapagamot, maliban na lamang kung sila ay nasa “state of poverty” o walang kakayahang pinansyal upang tugunan ang mga gastusin. Ang kundisyong nabanggit ay dapat na sertipikado gamit ang isang angkop na form, kung saan ipapahayag ang kawalan ng sapat na mapagkukunang pinansyal.
Gayunpaman, dapat tandaan na kahit sa kasong ito, ang pagbabayad ng tiket ay kinakailangan pa rin. Kung, sa kabilang banda, ang dayuhan ay nasa kondisyon na hindi kayang bayaran kahit ang halaga ng tiket, ay kailangang mag-request ng total exemption, na ibinigay lamang sa mga sumusunod na kaso:
- First level services (direktang pag-access nang walang booking o reservation)
- Emerhensiya;
- Pagbubuntis;
- Menor de edad hanggang 14 anyos;
- Ilang partikular na sakit o malubhang kapansanan. (ni. Atty. Federica Merlo)