in

Ano ang mga sintomas ng covid19? Ano ang dapat gawin kung mayroon nito?

Ang COVID 19 ay isang viral infection o sakit na sanhi ng isang uri ng virus. Hindi ito bacterial infection kaya hindi ito nagagamot gamit ang ibat ibang uri ng mga antibiotics. 

Ito ay naisasalin sa pamamagitan ng droplet transmission. Ito ay nangyayari kapag ang taong apektado ay umubo at bumahing, ang mga fluid na mula sa kanyang katawan ay sumasama sa hangin na maaring mahinga ng mga taong katabi niya o kaya ay maiwan na nakakapit sa mga surfaces na maaring mahawakan naman ng iba. 

Anu-ano ang mga sintomas ng Covid19? Gaano ito kadelikado?

Karaniwang sintomas ng COVID 19 ay ang lagnat, panghihina at ubo. Ang ilang ay nakakaramdam ng pananakit ng katawan, pagbabara ng ilong, pagtulo ng sipon, pananakit o panunuyo ng lalamunan at pagtatae. Ang mga sintomas na ito ay karaniwang mahina lamang at dahan-dahan ang simula. Sa mas malalang kaso ay ang pagkakaroon ng pneumonia, hirap sa paghinga, kidney failure at kamatayan

May mga taong infected ng covid19 ngunit walang sintomas. Karaniwang ang sintomas ay halos hindi maramdaman, lalo na ng mga bata at mga young adults. Tinatayang 1 sa bawat 5 katao na infected ng covid19 ay malala at nahihirapan sa paghinga at nangangailangang manatili sa ospital. 

Sino ang higit na delikado sa covid19? 

Ang mga matatanda at ang mga maysakit tulad ng hypertension, sakit sa puso, diabetes at mga immunosuppressed patients ay mas delikado sa covid19 at mas may posibilidad na tamaan ng virus. 

Tandaan na ang incubation period o ang paglabas ng sintomas ay karaniwang nasa ika-2 hanggang ika-11 araw, hanggang ika-14 na araw, matapos mahawa ng virus.

Kapag biglang nagkaroon ng kahit isa sa mga sintomas na nabanggit, ay kailangang gawin ang sumusunod:

  1. Huwag mabalisa. Panatilihin ang kalma.
  2. Huwag lumabas ng bahay at simulan ang self isolation. Ito ay nangangahulugan ng pag-iisa sa kwarto, pagkain mag-isa. Ipaalam ito sa mga kasambahay upang sila ay makaiwas. 
  3. Tumawag sa Medico di Base at ipaalam ang nararamdaman. Siya ang magbibigay ng gamot na dapat inumin at bagay na dapat gawin.
  4. Maaari ring tumawag sa national hotline ng Ministry of Health 1500
  5. Maaari ding tumawag sa toll free numbers ng bawat rehiyon.
  • Basilicata: 800 99 66 88 
  • Calabria: 800 76 76 76
  • Campania: 800 90 96 99
  • Emilia-Romagna: 800 033 033
  • Friuli Venezia Giulia: 800 500 300
  • Lazio: 800 11 88 00
  • Lombardia: 800 89 45 45
  • Marche: 800 93 66 77
  • Piemonte:
    • 800 19 20 20 attivo 24 ore su 24
    • 800 333 444 attivo dal lunedì al venerdì, dalle ore 8 alle 20
  • Provincia autonoma di Trento: 800 867 388
  • Provincia autonoma di Bolzano: 800 751 751
  • Puglia: 800 713 931
  • Sardegna: 800 311 377
  • Sicilia: 800 45 87 87
  • Toscana: 800 55 60 60
  • Umbria: 800 63 63 63
  • Val d’Aosta: 800 122 121
  • Veneto: 800 462 340

Liguria:112

Molise 0874 313000 e 0874 409000   

Piacenza:0523 317979: attivo dal lunedì al venerdì, dalle 8 alle 18 e il sabato dalle 8 alle 13

Kung mayroong sintomas na ganito, mahigpit na ipinapayong tumawag sa mga numerong nakalaan dito at huwag pumunta sa mga clinic at ospital para maiwasan ang pagsalin ng sakit sa ibang tao.

Basahin rin: Ano ang Immune System at Paano natin ito mapapalakas laban sa Covi19?

Mga bagay na dapat sundin ng bawat Pilipino sa Italya sa kasagsagan ng Covid-19

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Krisis pangkalusugan hanggang kailan?

Ricetta medica, matatanggap na via email o whatsapp