in

Ano ang pagbabago sa validity ng Permesso di Soggiorno UE?

Ang permesso di soggiorno UE per lungo soggiornanti o EC long term residence permit, kilala din sa dating carta di soggiorno, ay isang uri ng dokumento na nasasaad sa artikulo 9 ng Batas sa Imigrasyon, at ibinibigay sa mga permanenteng naninirahan sa isa sa mga bansa ng European Union at nakakatugon sa mga requirements (pagkakaroon ng balidong permit to stay, tuloy-tuloy na paninirahan ng 5 taon, minimum salary requirement at kaalaman sa antas A2 ng wikang Italyano). Ang bisa ng nabanggit na dokumento ay walang limitasyon o walang expiry date at samakatwid ay nangangailangan lamang na i-update ito, maliban sa ilang partikular na kaso ng pagbawi sa dokumento dahil sa mahabang panahon ng paglabas ng bansang Italya at pagkakaroon ng mabigat na sentensya dahil sa krimen.

Basahin din:

Decreto ng January 20, 2021: Ano ang pagbabago sa validity ng permesso di soggiorno per lungo soggiornanti?

Ang Dekreto ng January 20, 2021 ng Ministry of Interior, ay naglalaman ng “Mga panuntunan sa security ng permesso di soggiorno” na itinalaga ang limitadong validity ng 10 taon, sa halip na walang limitasyon. 

Ang nasasaad na panahon, gayunpaman, na kumakatawan sa expiration ng pisikal na dokumento na dapat palitan tuwing ika-sampung taon ngunit mananatiling may unlimited validity ito at ito ay hindi makaka-apekto sa karapatan ng dayuhang manatili sa Italya. 

Narito ang mga impormasyong makakatulong upang maunawaan ang pagbabago at ano ang dapat gawin sa nalalapit expiration o paga-update sa permesso UE:

  • Ang bagong permesso di soggiorno UE ay iniisyu batay sa bagong unipormeng modelo ng mga permessi di soggiorno para sa mga non-Europeans na pinagtibay alinsunod sa mga regulasyon ng Europa (regulasyon ng EC Blg. 1030/2002, sinusugan ng Regulasyon ng EU Blg. 2017/1954 ). Sa katunayan, ang pag-papatupad ng unipormeng modelo na ito ay dahil sa pangangailangang ipasok ang mga karagdagang elemento ng seguridad laban sa anumang uri ng palsipikasyon ng dokumento.
  • Ang parehong modelo ay gagamitin din para sa mga permessi di soggiorno ng mga British, na dahil sa Brexit ay nangangailangan ng dokumento na magpapahintulot sa pagpasok at pananatili sa mga bansa ng EU;
  • Ang proseso ng pag-iisyu ng mga permesso di soggiorno ay nananatiling pareho katulad sa lumang permesso di soggiorno na walang limitasyon (pamamaraan ng aplikasyon, requirements, karampatang awtoridad);
  • Ang mga dating permesso per lungo soggiornanti ay mananatiling balido hanggang sa ito ay dapat i-renew;
  • Ang mga permesso UE ay mananatiling illimitata, ngunit makikitang nakasulat sa dokumento ang validity nito ng 10 taon, na magpapahintulot na mapalitan o mabago ang dokumento tuwing ika-sampung taon, tulad ng bigay-diin ng Ministry of Inteior. Samakatwid, hindi kinakailangang mag-aplay ng renewal nito bagkus ay ang aggiornamento lamang o paga-up-date ng hawak na permesso, hanggang ma-isyu ang bagong dokumento. 
  • Sa kasalukuyan, ay sinimulan ang experimental phase ng nasabing dokuemnto sa Questura di Terni at pagkatapos lamang nito gagamitin ang bagong modelo sa natitirang bahagi ng bansa.

Basahin ang Circular ng Ministry of Interior

ni: Avvocato Federica Merlo, para sa Stranieri in Italia

Kailangan ba ng legal advice ukol sa permesso di soggiorno UE per lungo soggiornanti o EC long term residence permitI-clik lamang ang link na ito: https://migreat.lpages.co/consulenze/

Click to rate this post!
[Total: 5 Average: 3.8]

12 Supermarkets, ipinasara dahil sa paglabag sa anti-Covid19 health protocols

Reddito di Emergenza 2021, extended ang deadline ng aplikasyon