Sa pinakahuling DPCM na simulang ipinatupad noong October 26 ay walang binanggit na malinaw na pagbabawal bagkus ay tahasang pagbibilin o rekomendasyon lamang.
Malinaw na nasasaad na hindi pagbabawal kundi isang pagbibilin lamang na iwasan ang pagtanggap ng mga bisita sa bahay o ang paglabas gamit ang public o private transportation. Isang mahigpit na pagbibilin dahil malinaw rin hanggang sa kasalukuyan, ay hindi intensyon o iniiwasan ng gobyerno ang muling pagpapatupad ng panibagong lockdown.
Ano ang parusa sa hindi pagsunod sa mga rekomendasyon at tagubilin?
Nagbigay ng paglilinaw ang Ministry of Interior at ipinaliwanag na ang sinumang hindi susunod sa tagubilin ng dekreto ay walang anumang panganib ng multa o parusa.
Sa pamamagitan ng isang Circular, pirmado ng Capo di gabinetto Bruno Frattasi, ay “inaanyayahan ang lahat sa isang pag-iingat at maging responsabile ang bawat isa, sa kabila ng walang parusang nasasaad“.
Partikular, ukol sa pagtanggap ng bisita sa mga tahanan ay ipinapayong iwasan ito bilang pag-iingat maliban na lamang kung para sa trabaho o pangangailangan.
Isa pang rekomendasyon ng dekreto ay ang iwasan ang anumang pagbibiyahe gamit ang publiko o pribadong sasakyan, maliban na lamang kung para sa trabaho, pag-aaral, kalusugan, pangangailangan o paggamit ng serbisyo na hindi suspendido. Ito walang anumang multa o parusa dahil hindi obligado ang paggamit ng Autocertificazione tulad noong nakaraang lockdown. (PGA)