in

Ano ang Permesso Unico di Lavoro para sa aplikasyon ng Assegno Unico?

Ang Assegno Unico Universale na opisyal na magkakabisa mula March 1 ay maaari nang i-aplay mula January 1, 2022, hindi lamang ng mga Italians at Europeans, kundi pati na rin ng mga dayuhang mamamayan na: 

  • mayroong permesso UE per lungo soggiornanti o EC long term residence permit;
  • mayroong permesso unico di lavoro na nagpapahintulot na makapag-trabaho nang higit sa anim (6) na buwan;
  • mayroong permesso di soggiorno per motivi di ricerca na nagpapahintulot na manatili sa Italya nang higit sa anim (6) na buwan. 

Ang salitang permesso unico di lavoro ay ipinatutupad kasunod ng direktiba na nagsasaad ng iisang pamamaraan ng issuance ng permesso di soggiorno na magpapahintulot sa mga dayuhan na manirahan at makapag-trabaho sa Member State. Sa katunayan ito ay nagpapahiwatig na ang ganitong uri ng permesso di soggiorno ay nagbibigay ng posibilidad sa dayuhan na makapag-trabaho din, kahit ang dahilan ng pagpasok sa bansa ay hindi para sa trabaho. Halimbawa, ang per motivo di famiglia at permesso di soggiorno per attesa occupazione. 

Gayunpaman, hindi lahat ng permesso di soggiorno, bagaman nagpapahintulot na makapag-trabaho, ay makikitaan ng salitang permesso unico lavoro. 

Dahil dito, mayroong mga dayuhan na hindi makakatanggap ng assegno unico uiversale, hanggang hindi naglalabas ng correction ang Inps. Sila ay ang mga dayuhan na: 

  • mayroong permesso di soggiorno per studio, lavoro stagionale, lavoro autonomo;
  • mayroong permesso di soggiorno per motivi umanitari;
  • mayroong refugee status at International protection status;
  • mayroong permesso di soggiorno per altamente specializzato.

Samakatwid, kakailanganing hintayin ang Circular mula sa Inps, ang Implementing Rules, na maaaring naglalaman ng mga kinakailangang correction na magpapalawig at magbibigay karapatan sa lahat, dahil ang assegno unico universale ay ang papalit sa ibang pang mga benepisyo tulad ng assegni familiari. (Atty. Federica Merlo

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Mga dapat malaman ukol sa Assegno Unico Universale

YOUPol Polizia di Stato Ako Ay Pilipino

YOUPol ng Polizia di Stato, maaaring gamitin sa pagreport ng krimen