in

Ano ang proseso at anu-ano ang kailangang dokumento sa pag-aaplay ng nulla osta al lavoro?

decreto-flussi-ako-ay-pilipino

Ang Decreto Flussi ay isang decreto legge taun-taon na nakalaan sa mga non-EU workers na nais magtrabaho sa Italya o nais gawin ang convertion ng balidong permit to stay sa ibang uri nito. 

Taun-taon ay nagtatalaga ng mga bilang o quota ang gobyerno ng Italya para sa kategorya ng mga workers batay sa nasyunalidad na makakapasok at makakapag-trabaho sa Italya.

Basahin din:

Ang employer, sa pagkakaroon ng mga requirements, ay maaaring mag-aplay ng nulla osta al lavoro o ang working permit

Narito ang mga dokumento na kinakailangan sa pagsusumite ng aplikasyon ng nulla osta al lavoro: 

  1. Marca da bollo na nagkakahalaga ng € 16,00 
  2. Balidong pasaporte ng worker;
  3. Carta d’Identità ng employer o anumang balidong dokumento;
  4. Impormasyon ukol sa magiging kontrata: CCNL, lebel o antas, oras ng trabaho kada linggo, sahod;
  5. Bilang ng aktwal na empleyado ng kumpanya;
  6. Dichiarazione dei redditi ng employer;
  7. Bilancio contabilie 2019 ng kumpanya;
  8. Tel number at email ng employer;
  9. Address ng Work place at accommodation (at idoneità alloggitiva) ng worker;

Narito ang standard procedure sa pag-aaplay ng nulla osta al lavoro. 

Parehong proseso ang sinusunod sa pagpasok sa bansa bilang seasonal worker.

  1. Ang pag-aaplay ng nulla osta al lavoro

Ang aplikasyon ay ipinadadala online sa Sportello Unico per l’Immigrazione (o SUI) sa pamamagitan ng website ng Ministry on Interior ng employer na Italyano o ng dayuhang regular na naninirahan sa Italya. Ang iba’t ibang uri ang aplikasyon ay matatagpuan sa website ng Ministry of Interiorat sa pamamagitan nng SPID ay magkakaroon ng access dito. 

Ang Sportello Unico per l’Immigrazione, na nasa mga Prefecture ay ang tanggapang responsabile sa buong proseso ng hiring ng mga workers, seasonal, subordinate o self-employed man.

Ipapadala online sa Provincial Labour Office (DTL) at Questure ng SUI ang aplikasyong natanggap mula sa employer mga para sa mga pagsusuring kinakailangan para sa releasing ng nulla osta al lavoro

II. Ang pagsusuri ng DTL 

Tatanggapin online ng SUI mula sa DTL ang ginawang pagsusuri nito alinsunod sa mga probinsyon ng collective labor agreement at financial capacity ng employer, pati na rin ang availability ng quota

III. Ang opinyon ng Questura 

Samantala, hihingin din ng SUI sa Questura na alamin at suriin ang pagkakaroon ng mga hadlang ukol sa pagpasok at paninirahan ng dayuhan sa bansa pati na rin ang mga ukol sa employer. 

IV. Ang releasing ng nulla osta al lavoro

Kung positibo ang resulta ng aplikasyon matapos ang mga pagsusuri, ang SUI sa loob ng 40 araw kung lavoro subordinato at 20 araw naman kung lavoro stagionale, mula sa pagsusumite ng aplikasyon ay magpapadala ng komunikasyon online sa employer ukol sa nulla osta at ito ay direktang ipapadala online (lakip ang codice fiscale) sa konsulado sa Pilipinas. Ang nulla osta per lavoro ay balido ng 6 na buwan mula sa issuance nito.

Ipinapaalala na sa puntong ito ay sasailalim din sa ‘verification’ sa POLO Italy.

V. Ang releasing ng entry visa

Ipagbibigay alam ng employer sa worker ang komunikasyon ukol sa nulla osta. Ito ay upang mag-aplay ng entry visa sa Italian embassy sa Pilipinas.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ako-ay-pilipino

Araw ng Isolation at Quarantine, binawasan. Ano ang pagkakaiba ng dalawa?

Curfew, posibleng ipatupad sa pagtaas sa 10,010 ng mga positibo sa covid19