Ang R.A. 9262 o Anti-violence against women and children act ay ang sadyang pagpapakita ng pananakit o pag-abusong pisikal, sekswal o psychological.
Ang intensiyonal na pagpapakita sa miyembro ng pamilya sa ginagawang pananakit, pag-abusong pisikal, sekswal o psychological sa sinumang miyembro ng pamilya ay isa ring krimen under R.A. 9262.
Ang krimen na ito ay pinaparusahan dahil ang nagpapakita ng pang-aabuso ay may intensiyon na magdulot ng takot sa mga miyembro ng pamilya at mag-aalinlangan ang sinumang may plano na sumalungat sa kagustuhan ng nanakit. Ang sitwasyong ito ay nakasaad sa Section 4 (g) ng R.A.9262 bilang isang uri ng “psychological violence” na magbibigay ng mental o emosyonal na pagdurusa sa biktima. (Atty. Marlon Valderama – www.e-lawyersonline.com)