in

Ano ang Special Power of Attorney o SPA?

Rome, Hunyo 20, 2012 – Ang pagbibigay ng SPECIAL POWER OF ATTORNEY (SPA) sa isang tao ay pagbibigay ng karapatan na gawin ang mga bagay na nasasaad sa nasabing dokumento. Ito ay mayroong legal na epekto na hindi na pwedeng mabawi pag nagawa na ang mga ito.

Ang Special Power of Attorney (SPA) ay isang legal na dokumento na ginagawa ng isang tao na nasa malayong lugar katulad ng OFW o nasa abroad at ito ay nagbibigay ng authority, power at right sa isang tao upang asikasuhin at gawin ang mga bagay bagay na importante o pirmahan ang mga dokumento na importante sa Pilipinas. Ang lahat ng mga ginawa o pinirmahan ng nasabing tao na binigyan ng SPA ay magiging epektibo sa taong nagbigay nito kung kaya’t maselan ang paggawa nito. Ang SPA ay hindi pwede sa mga personal na bagay tulad ng epekto ng kasal, custody ng bata o pagdisiplina sa bata o pagtestify sa korte.

Kung ang SPA naman ay nagbigay ng karapatan sa isang tao na ibenta ang lupa, isangla o umutang under sa kanyang pangalan, ang nasabing transaksiyon ay may epekto at may bisa kahit hindi pumirma ang tunay na may-ari ng lupa dahil ang pirma ng binigyan ng SPA ay considered na tunay na pirma na rin ng may-ari. (Atty. Marlon Valderamawww.e-lawyersonline.com)

altNarito ang mga requirements sa pagpapagawa ng Special Power of Attorney o SPA hatid ng Gabay – Filipino sa Italya mula sa ASLI sa pakikipagtulungan ng Embahada ng Pilipinas sa Roma.

Duly Accomplished Special Power of Attorney (SPA) Form.  There are three kinds of forms:

–      General SPA Form (Annex F)

–      SPA for the purpose of authorizing someone else to apply for passport renewal of child in the Philippines (Annex F.1)

–      SPA for the purpose of authorizing someone else to obtain his/her documents needed for Italian citizenship (Annex F.2)

Personal appearance of  the principal/s or signatories /affiant/s

Presentation of Philippine Passport, or any Philippine government-issued identification card  (driver's license, professional license, SSS ID, Pag-Ibig ID, POEA ID)

Application fee: €25.00

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Census – Karagdagang 100,000 imigrante

Nagpalit ako ng aking apelyido. Ano ang dapat kong gawin sa aking permit to stay?