Ang karapatan sa health assistance ng mga dayuhang regular sa Italya
Para sa mga dayuhang regular sa bansa, ang pagpapatala sa National Health Service o Servizio Sanitario Nazionale (SSN) ay nagbibigay ng mga serbisyo sa pangangalaga sa kalusugan o health assistance na nasasaad sa patakaran ng bansa, ng may pantay na pagtingin tulad ng sa mga Italyano, bilang isang obligasyon na ipinagkakaloob sa Italya ng tanggapan ng SSN na may pansamantalang bisa.
Sino ang dapat magpatala sa S.S.N.
– Ang mga foreign nationals na mayroong permit to stay at mayroong regular na trabaho, maaaring subordinate, self-employment o maaaaring nakarehistro bilang unemployed;
– Ang mga foreign nationals na regular na naninirahan o ang mga dayuhang humiling ng renewal ng nasabing dokumento para sa subordinate job, self-employment, family reason, asylum, adoption, pagaaplay ng citizenship o pang religious reason.
-dependent family members na regular na naninirahan sa bansa ng mga nabibilang sa kategoriyang nabanggit sa itaas
Hindi obligadong mag-patala sa S.S.N. ang mga dayuhan na hindi nabibilang sa mga kategoriyang nabanggit, kahit na dapat insured laban sa karamdaman, pinsala at maternity sa pamamagitan ng isang insurance policy na balido sa bansa, maging para sa kanilang mga dependents.
Saan dapat magpatala
Maaaring magpatala sa S.S.N. sa mga tanggapan ng ASL kung saan residente ang dayuhan na karaniwang ang address ng tirahang nasasaad sa permit to stay
-personal na pagkakakilanlan tulad ng pasaporte;
– tax code;
– permit to stay;
– self-certification ng residence certificate o ang tinutuluyan
Sa pagpapatala, ay maaaring pumili ng isang family doctor o pediatrician para sa anak.
Gaano katagalang validity ng pagpapatala
– Ang pagpapatala ay mayroong validity tulad ng permit to stay at hindi nawawalan ni bisa sa panahon ng renewal ng nasabing dokumento: maaaring i-renew sa pamamagitan ng pagsusumite sa ASL ng mga patunay ng renewal ng permit to stay tulad ng cedolino o postal receipt.
– Sa kaso ng hindipagre-renew o pagpapawalang-bisa sa permit to stay, o sa kaso ng expulsion, ang pagkakatala sa S.S.N. ay nahihinto, maliban na lamang sa pagpapatunay na nag-file ng apila laban sa naturang parusa.
Ano-ano ang mga karapatang napapaloob
Sa pagpapatala ay makakatanggap ng isang dokumento, ang “personal health card card ” na magbibigay karapatan sa mga libreng health assistance o sa mga reduced payment o ticket payment lamang ng mga sumusunod na serbisyo:
medical check-ups sa mga clinics o sa mga specialists, pagpunta sa tahanan ng pasyente, hospitalization, bakuna, blood tests, x-rays, ultra sound, rehabilitation at marami pang iba.
Dayuhang di-nakatala sa SSN
Kung regular na nainirahan sa bansa ngunit di kabilang sa mga kategoriyang nabanggit na obligadong magpapatala sa S.S.N., ay mayroong dalawang posibilidad:
a) opsyonal ang magpalista sa SSN, kasama ang pamilyang nasa Italya rin. Maaaring gawin ang voluntary registration kung:
– ang validity ng permit to stay ay higit sa tatlong buwan (permit to stay sa pag-aaral ay exempted)
-kung nakatala kasama ang pamilya, sa listahan ng mga nabibilang bilang pasyente ng ASL, o sa mga kaso ng unang pagpaparehistro, ng tinutuluyan tirahan na nakasulat sa permit to stay
Ang registration ay hindi posible kung ang motibo ng pananatili sa Italya na nasasaad sa permit to stay ay pagpapagamot (o cura). Sa ganitong mga kaso, ang mga health assistance ay binabayaran sa ASL ayon sa itinakda ng batas, na nag-iiba dipende sa Rehiyon. Kung sakaling kulang o walang sapat na pinansyal na mapagkukunan ay maaaring ipagkaloob ang pagiging out-patient para sa mga medical check-ups, hospitalization gayun din ang programa ng prebensyon tulad ng bakuna sa publiko at mga kwalipikadong pribadong pasilidad.
b) ma-insured laban sa sakit, pinsala at maternity sa pamamagitan ng isang insurance policy na balido sa bansa.
Ang mga benepisyong ibinibigay
– lahat ng mga kinakailangan sa panahon ng pagbubuntis at panganganak;
– proteksyon sa kalusugan ng mga menor de edad;
– Mga bakuna, ayon sa batas – Ang mga international prophylaxis;
– Ang pag-iwas, diyagnosis at paggamot ng mga nakahahawang sakit