Oktubre 5, 2012 – Ang Section 19 o ang “TAKEDOWN CLAUSE” ng Republic Act No. 10175 otherwise known as “Cybercrime Prevention Act of 2012” ay isang delikadong probisyon na dapat baguhin at amyendahan upang maprotektahan ang mga mamamayan s aanumang abuso ng mga nasa gobyerno.
Maraming tao ang tumututol sa "Cybercrime Prevention Act of 2012" dahil kinakatakot nila na mawawalan na ng freedom o kalayaan sa Internet. Ang "Cybercrime Prevention Act of 2012" ay isang batas na makakatulong sa peace and order at mapipigilan ang mga kriminal na gamitin ang Internet na maghasik ng krimen sa ating mga mamamayan. In general, ang batas na ito ay katulad ng ibang batas na ginawa upang masawata ang pagtaas ng krimen, at ang batas na ito ay designed against sa mga krimen sa Internet. Ang batas na "Cybercrime Prevention Act of 2012" ay ginawa upang maiwasan na maging "Wild Wild West" ang internet at magkaroon ng chaos at disorder sa mga social networking sites.
Ano ba ang nakakatakot o dapat ikatakot sa "Cybercrime Prevention Act of 2012"?
Ang nakakatakot sa "Cybercrime Prevention Act of 2012" ay ang Section 19 nito o ang "TAKEDOWN CLAUSE" na nagsasabi – Restricting or Blocking Access to Computer Data. — When a computer data is prima facie found to be in violation of the provisions of this Act, the DOJ shall issue an order to restrict or block access to such computer data. Sinasabi dito na ang DOJ ay may kapangyarihan na pagbawalan o limitahan ang access sa isang computer data kung may hinala ang DOJ na may violation ng Cybercrime Prevention Act of 2012. Inilagay ang Takedown Clause na ito upang mapigilan ang pagdelete o pagbura ng anumang computer data na pwedeng gamitin na evidence laban sa isang cyber criminal at mapreserba ito para sa presentation ng evidence sa korte.
Ang TAKEDOWN CLAUSE na ito ay parang Hold Departure Order (HDO) o kaya Preliminary Injunction ng korte ngunit ang kaibahan nito ay ang TAKEDOWN CLAUSE na ito ay pwedeng gamitin ng DOJ ng walang hearing o complaint sa akusado. Kung gagamitin ito ng DOJ, ang DOJ ay magiging prosecutor, judge at executioner at the same time na pinagbabawal ng Due Process Clause. Dahil ang Takedown Clause na ito ay nasa kamay ng isang ahensiya lamang, pwede itong abusuhin at gamitin na instrumento ng mga tao sa gobyerno na kumakalaban dito. Kung kaya, ang Section 19 ng R.A. 10175 ang dapat na amyendahan o baguhin upang maprotektahan ang mga mamamayan sa mga posibleng pag-abuso nito ng mga taong gobyerno. Ang Takedown Clause na ito ay pwede lamang ma-issue ng isang korte kung mayroon nang complaint o reklamo na nakasampa dito at kailangan patunayan na may probable cause katulad ng pag-issue ng isang search warrant, warrant of arrest or hold departure order or injunction. Kailangan din maglagay sa batas na patunayan ng taong ang-apply nito na wala nang iba pang paraan upang maprotektahan ang evidence kundi sa paggamit lamang ng Takedown Clause. Kailangan din magbigay ang batas ng karapatan sa naapektuhan nito ng remedy upang mapatigil ang pagblock o pagrestrict kung walang basehan ang application ng Takedown Clause.
Ang batas na ito ay nararapat na maglagay ng penalty na imprisonment sa pulis o law enforcement officer na nag-apply ng take-down clause na walang basehan o ginawa lamang for harrassment purposes. Katulad ng batas na RA 7438 AN ACT DEFINING CERTAIN RIGHTS OF PERSON ARRESTED, DETAINED OR UNDER CUSTODIAL INVESTIGATION AS WELL AS THE DUTIES OF THE ARRESTING, DETAINING AND INVESTIGATING OFFICERS, AND PROVIDING PENALTIES FOR VIOLATIONS THEREOF kung saan pinaparusahan ang pulis o law enforcement officer ng imprisonment kung hindi nila ginalang ang Miranda rights ng akusado o right sa custodial investigation o pagtorture sa akusado upang mapaamin sa isang krimen, dapat ay may katulad na parusa din ang pulis o law enforcement officer na nag-apply ng take-down clause na walang basehan o ginawa lamang for harrassment purposes o umabuso sa batas na ito. (ni Atty. Marlon Valderama – www.e-lawyersonline.com)