Sa isang komunikasyon ay opisyal na inanunsyo ng INPS kung anu-ano ang mga requirements para sa mga non-EU nationals upang matanggap ang Assegno Unico Universale 2022.
At dahil ang benepisyo ay ibinibigay sa lahat ng mamamayang Italyano at European na naninirahan sa Italy, nilinaw ng Institute ang mga kondisyon upang magkaroon ng access sa benepisyo ang mga dayuhang non Europeans.
Sa Message n °2951 ng 25-07-2022, ipinaliwanang ng INPS ang mga requirements para sa mga dayuhan upang matanggap ng Assegno UnicoUniversale 2022. Ang nabanggit na benepisyo ay nasasaad sa Legislative Decree 29 December 2021, n. 230 para sa taong 2022. Ang implementing rules ay nasasaad partikular, sa Artikulo 3, talata 1, letra a.
Ang uri ng permesso di soggiorno na makakatanggap ng Assegno Unico Universale 2022
Partikular, para sa mga non Europeans ay kailangan ang pagkakaroon ng:
- Permesso di soggiorno UE per lungo soggiornanti;
- Permesso unico di lavoro;
- Permesso di soggiorno per motivi di ricerca;
Bilang karagdagan sa kabuuang regulasyon, tinukoy din ng Inps ang iba pang mga kaso na nagbibigay karapatan sa pagtanggap ng benepisyo. Ito ay dahil sa maraming uri ng permesso di soggiorno ang isinumite lakip ng aplikasyon tulad ng mga sumusunod:
- Permesso di lavoro subordinato;
- Permesso per assistenza minori;
- Permesso per lavoro stagionale;
- Protezione speciale;
- Casi speciali.
Paano kung nasa renewal ang permesso di soggiorno?
Para sa muling pagsusuri sa mga aplikasyon ng mga non Europeans matapos tanggihan ang mga ito dahil sa expiration ng hawak na permesso di soggiorno, ay tatanggapin balidong dokumento ang resibo ng renewal ng nasabing dokumento. Dahil ang mga karapatan sa panahon ng renewal ay nawawala lamang sakaling hindi gawin ang renewal o pinawalang-bisa ang dokumento.
Sino ang mga hindi makakatanggap ng Assegno Unico?
Hindi kabilang sa mga makakatanggap ng benepisyo ang mga sumusunod:
- Stateless foreigners, political refugees or holders of international protection equivalent to Italian citizens;
- Skilled workers o mayroong Carta Blu;
- Manggagawa mula sa Morocco, Algeria at Tunisia;
- Self-employed workers
Samantala, hindi naman makakatanggap ng Assegno Uncio ang mga dayuhang may hawak ng mga sumusunod na dokumento:
- Attesa occupazione,
- Tirocinio;
- Studio,
- Residenza Elettiva
- Turismo, affari