Una sa lahat, ipinaalalala na kung ang colf ay kakailanganing isama ng pamilya o ng employer sa ibang lugar sa panahon ng bakasyon, ito ay hindi dapat sa parehong panahong pinili ng colf bilang kanyang bakasyon.
Bukod dito, ang posibilidad na isama ang colf sa ibang lugar sa partikular na panahon ng taon, hangga’t maaari, ay mainam na nasasaad sa tinatawag na ‘lettera di assunzione’ o letter of employment. Bagaman hindi obligado, ito ay isang mahalagang indikasyon.
Gayunpaman, mayroong itong consequences sa employer kung hindi tinukoy sa employment contract ang ‘richiesta di trasferta’ o ang posibleng pagsasama sa colf ng pamilya sa ibang lugar. Ang employer ay kailangang bayaran ang colf ng karagdagang halaga ng 20% ng daily salary nito.
Kung tinukoy naman sa employement contract ang ‘richiesta di trasferta’, ay walang anumang dapat idagdag na kabayaran ang employer sa colf.
Bilang karagdagan dapat tandaan na sa panahong kasama ang colf sa bakasyon, ay pareho ang patakaran ukol sa day off at kung sakaling mag-trabaho sa araw ng day off at pista opisyal. Kailangan ring ibalik ng employer sa colf ang ipinamasahe nito, sakaling colf ang nagbayad ng kanyang pamasahe. (ni Atty. Federica Merlo)
Basahin din:
- Magkano ang sahod ng colf kung magta-trabaho sa araw ng holiday?
- Holiday sa domestic job, narito ang nasasaad sa National Domestic Work Contract
- Hindi pagkaka-unawaan ukol sa ferie o bakasyon? Isang maikling gabay.