Simula sa April 12, 2021, labing-anim na rehiyon ang nasa ilalim ng restriksyon ng zona arancione.
Ito ay ang mga rehiyon ng Piemonte, Lombardia, Emila Romagna, Toscana, Friuli Venezia Giulia, Calabria, Veneto, Marche, Abruzzo, Basilicata, Lazio, Liguria, Molise, Sicilia, Umbria at Trentino Alto-Adige.
Narito ang mga restriksyon sa ilalim ng zona arancione ayon sa kasalukuyang dekreto
Ang kasalukuyang dekreto anti-Covid19 ay ipinatutupad simula April 3 hanggang April 30.
- Ang mga paaralan ay bukas at may klase ang mga mag-aaral hanggang hanggang terza media sa zona arancione. Samantala ang Scuola Superiore naman ay 50% face-to-face (at maaaring umabot hanggang 75%) at 50% DAD. Bukod dito, sa kasalukuyang dekreto, ang mga presidente ng mga Rehiyon, ay hindi na maaaring magpatupad ng mas mahigpit na ordinansa upang i-suspinde ang mga klase.
- May posibilidad ng malayang sirkulasyon at hindi nangangailangan ng Autocertificazione sa loob ng sariling Comune.
- Maaaring magpunta sa second house, kahit ito ay nasa zona rossa o zona arancione.
- May pahintulot ang pagpunta sa bahay ng kaibigan o kamag-anak, isang beses sa maghapon, sa loob ng parehong Comune, maximum ng dalawang adults at ang mga minors ay hindi kasama sa bilang.
- Bukas na ang lahat ng commercial activities. Mananatiling sarado ang mga malls o centro commerciali tuwing weekends o giorni pre-festivi at festivi. Bukas lamang sa loob ng mga malls ang pharmacy, cigarette shops, newspaper stands at supermarkets.
- Ang mga hairdressers, barbers at beauty centers ay magbabalik trabaho. Matatandaang sa nakaraang DPCM ay sarado ang mga nabanggit sa zona arancione.
- Mananatiling sarado ang mga gym, pools, cinema, theaters at museums.
- Mananatiling bukas lamang for take-out hanggang 6pm ang mga bars at hanggang 10pm ang mga restaurants. May pahintulot naman ang home deliveries.
- Nananatli ang curfew mula 10pm hanggang 5am. May pahintulot ang paglabas ng bahay dahil sa trabaho, kalusugan at pangangailangan.
Nasasaad din sa dekreto ang pagsusuri sa kalahatian ng Abril upang malaman kung magbibigay pahintulot sa pagbubukas halimbawa ng mga bar at restaurat, cinema at theaters, sa mga rehiyon kung saan ang datos ay pang zona gialla. (PGA)