Mayroong mga bagong alituntuning ipinatutupad sa yellow zone o zona gialla. Sa decreto-legge ng December 15 na inaprubahan ng Konseho ng mga Ministro bukod sa extension ng State of Emergency, ay nasasaad din ang mga preventive measures upang mapigil ang epidemya. Sa bagong Covid decree ay itinalaga din ang mga bagong measures sa iba’t ibang zones sa bansa – bianca, gialla, arancione at rossa.
Basahin din:
Anu-anong mga rehiyon ng Italya ang nasa yellow zone o zona gialla?
Narito ang mga restriksyon sa zona gialla o yellow zone
Sa zona gialla, lahat ay obligadong magsuot ng mask sa indoor at ourdoor. Ito ay balido para sa lahat ng mga mamamayan, mayroon o walang Basic o Super Green pass.
May pahintulot din ang mga sumusunod:
- Movement sa sariling Comune kung saan nakatira;
- Magpunta sa ibang Comune
- Magpunta sa ibang rehiyon
Walang curfew at hindi kailangan ang Autocertificazione tulad noong nakaraang taon.
Gayunpaman, simula December 6, 2021 ay mandatory ang pagkakaroon ng Basic Green pass sa tuwing sasakay ng local public transportation, regional at interregional.
Narito ang patakaran sa yellow zone ukol sa Green Pass
Paggamit sa lahat ng local public transporation: BASIC Green pass
Paggamit ng taxi at rent a car with driver: NO Green pass
Movement sa sariling Comune kung saan nakatira: NO Green pass
Pagpunta sa ibang Comune: NO Green pass
Pagpunta sa ibang rehiyon: NO Green pass
Mga bar at restaurant
Pagkonsumo sa counter: NO Green pass
Dine-in
– sa labas ng restaurant o bar: NO Green pass
– sa loob: SUPER Green pass.
Hotel
Check-in sa hotel: BASIC o SUPER Green pass
Outdoor at indoor restaurant ng hotel para sa mga guests: BASIC at SUPER Green pass
Outdoor restaurant ng hotel para sa mga hindi guests: NO Green pass
Indoor restaurant ng hotel para sa mga hindi guests: SUPER Green pass
Museum, Cinema at theaters
Sa zona gialla ay bukas ang mga cinema, theaters, museums at concert hall tulad sa zona bianca. Sa pagpasok sa mga theaters, cinema at concert hall ay kailangan ang SUPER Green pass. Para sa mga exhibits, museums at cultural event sa indoor ay kailangan ang BASIC Green pass.
Stadium at Sports hall
Kahit sa zona gialla, ang capacity ng mga stadium at sports hall ay nananatiling 60% sa indoor at 75% sa outdoor at mandatory ang pagsusuot ng mask. Mandatory ang SUPER Green pass sa indoor at kahit sa outdoor.
Paaralan
Face-to-face ang pagtuturo sa lahat ng antas at hindi kakailanganin ang pagkakaroon ng Green pass maliban sa Unibersidad kung saan mandatory ang BASIC Green pass.
Disco
Ang access sa mga disco at dance hall ay may pahintulot lamang sa mga may SUPER Green Pass, sa yellow zone pati na rin sa white at orange zone.
Events
Para naman sa reception ng mga civil at religious events ay mandatory ang pagkakaroon ng BASIC o SUPER Green Pass. Sa ibang okasyon at hindi reception ng mga civil at religious events ay mandatory ang SUPER Green pass.
Theme parks
Ang access sa mga theme at amusement park ay nakalaan lamang para sa mga may BASIC o SUPER Green Pass.
Para sa karagdagang impormasyon: www.governo.it
Basahin din:
- Super Green Pass, ipatutupad simula ngayong araw, Dec. 6
- State of Emergency ng Italya, extended hanggang March 31, 2022
- Green Pass at Super Green Pass, ang pagkakaiba