in

Aplikasyon ng italian citizenship: Paano malalaman ang status at gaano katagal ang panahon ng pagsusuri?

Italian citizenship Ako ay Pilipino

Matapos maisumite ang aplikasyon para sa italian citizenship ay mahalagang malaman kung paano malalaman ang status nito at kung gaano katagal ang panahon ng pagsusuri ng Ministry of Interior.

Paano malalaman ang status ng aplikasyon ng italian citizenship

Ang status ng mga aplikasyon ng italian citizenship ay maaaring malaman sa pamamagitan ng website https://portaleservizi.dlci.interno.it/AliCittadinanza/ali/home.htm gamit ang username at password. Ipinapaalala na simula December 31, 2021 ang access sa nabanggit na website ay esklusibong sa pamamagitan na lamang ng SPID. Maaari ring sumulat sa comunicazione.cittadinanza@pecdlci.interno.it.

Basahin din:

Tandaan na kailangang ilagay ang numero di riferimento (K10/…..) ng aplikasyon.

Ang panahon ng pagsusuri sa aplikasyon ng Italian citizenship 

Samantala batay sa petsa kung kailan isinumite ang aplikasyon ng italian citizenship ay malalaman ang kinakailangang panahon ng pagsusuri: bago ang October 5, 2018; sa pagitan ng October 5 2018 hanggang December 12, 2020 at makalipas ang December 21, 2020

Ang tatlong magkakaibang petsang nabanggit sa itaas ay mahalaga para matukoy ang pinakamatagal na panahong kinakailangan upang makapagdesisyon ukol sa aplikasyon ang Ministry of Interior. 

Sa pamamagitan ng Decreto Legge 130/2020, sa katunayan ay nagkaroon ng susog ukol sa panahon ng pagsusuri ng mga aplikasyon at itinalaga ang maximum na 24 na buwan hanggang 36 buwan, para sa aplikasyon na isinumite makalipas ang December 21, 2020

Nasasaad sa parehong dekreto na ang mga aplikasyon na isinumite bago ang October 5, 2018 ay mananatili ang dating dalawang (2) taong pagsusuri, at pinapanatili ang apat (4) na taong panahon ng proseso na itinalaga ng Decreto Sicurezza para sa aplikasyon na isinumite sa pagitan ng petsang October 5, 2018 hanggang December 21, 2020. 

Samakatwid:

  1. Para sa mga aplikasyon na isinumite bago ang October 5, 2018: 2 taon;
  2. Para sa mga aplikasyon na isinumite sa pagitan ng petsang October 5, 2018 hanggang December 21, 2020: 4 taon;
  3. Para sa mga aplikasyon na isinumite makalipas ang December 12, 2020: 2 hanggang 3 taon;

Ang mga deadline na ito ay mahalaga. Makalipas lamang ng mga panahong ito at wala pang desisyon ang Ministry of Interior ukol sa aplikasyon ay posibleng humiling ng ‘conclusione del procedimento‘ o pagtatapos ng pagsusuri. Ang apela sa TAR o Administrative Court ng Lazio ay maaaring gawin sa loob ng isang taon makalipas ang deadline. 

Bukod dito, tandan na sa kaso ng komunikasyon ukol sa pagkakaroong ng anumang hadlang na dahilan sa hindi pagkilala sa italian citizenship ng Ministry, ay nakalaan lamang ang 10 araw upang isumite ang mga karagdagang dokumentasyon. Sa paraang ito lamang mabibigyan ng pagkakataon ang aplikante para sa positibong resulta at maiwasan ang posibleng pagtanggi sa aplikasyon. (Atty. Federico Merlo)

Click to rate this post!
[Total: 4 Average: 3.8]

Kristo sa ating mga Puso (Ikalawang bahagi)

Validity ng ilang uri ng Permesso di Soggiorno, pinalawig