in

Araw ng abiso bago tanggalin sa trabaho, karapatan ng mga colf

Ako ay isang Pilipina at nagta-trabaho bilang isang colf. Ang aking kasalukuyang employer ay nagpahiwatig na nais akong tanggalin sa trabaho. Ano ang nasasaad na panahon ng abiso para dito? Anu-ano ang aking mga karapatan?  

 

 Hulyo 20, 2015 – Ang trabaho bilang isang kasambahay o colf ay isang partikular na uri ng trabaho dahil ito ay batay sa tiwala at hindi nangangailangan ng anumang tamang sanhi (o giusta causa) o  makatwirang dahilan (giustificato motivo) sa regular na paraan ng pagtatanggal sa trabaho sa isang worker. Ito ay nangangahulugan na ang mga employers ng domestic jobs ay maaaring magtanggal sa trabaho na hindi obligado ang pagbibigay ng anumang dahilan.

Gayunpaman, nananatiling kailangang respetuhin ang tuntunin ng abiso ng pagtatangal sa trabaho. Sa kasong hindi ito respetuhin ng employer, ay nasasaad ang pagbabayad ng isang halaga katumbas ng panahon ng abiso na hindi ibinigay sa worker. Sa kalkulasyon ay isasama rin ang 13 month pay, board and lodging bukod pa sa seniority o haba ng panahon ng serbisyo (o anzianità).

Ang employer ay maaaring pagtrabahuhin o hindi ang tinanggal na worker sa panahon ng abiso. Maaari ring bayaran ng buo o isang bahagi lamang ng panahon ng abiso, kung ang colf ay sang-ayon. Matinding kapabayaan lamang ang posibleng dahilan para sa employer na mabilisang tanggalin ang colf ng walang abiso o ang tinatawag na ‘licenziamento in troco’.

Ang araw ng abiso ay nag-iiba batay sa haba ng panahon sa trabaho at oras ng trabaho. Sa kasong ang pagtatanggal sa trabaho ay bago ang ika-31 araw ng maternity leave, ang araw ng abiso ay nadodoble.
 
• Mga workers na may working hours na mas mababa o katumbas ng 25 hrs per wk, na may seniority (o anzianità) hanggang dalawang (2) taon, ay may karapatan sa walong (8) araw ng kalendaryong abiso, habang ang mga mayroong seniority (o anzianità) higit sa dalawang (2) taon ay may karapatan sa labinlimang (15) araw ng kalendaryo.

 
• Mga workers na may working hours na mas mataas sa 25 hrs per wk, na may seniority (o anzianità) hanggang dalawang (2) taon ay may karapatan sa labinlimang (15) araw ng kalendaryong abiso, habang ang mga mayroong seniority (o anzianità) higit sa dalawang (2) taon ay may karapatan sa tatlumpung (30) araw ng kalendaryo.
 
Bilang sagot sa katanungan, ang employer ay dapat magbigay ng written declaration kung saan nasasaad ang pagtatanggal sa trabaho at obligadong sa colf ay ibigay ang isang kopya ng comunicazione di cessazione del rapporto di lavoro domestico na ginagawa sa Inps.
 

ni: Atty. Mascia Salvatore

isinalin sa tagalog ni: Pia Gonzalez-Abucay

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Naturalized Italian citizen, kailan mamaging Italyano ang asawa?

Boom ng aplikasyon sa citizenship, mahirap matugunan