Ang Assegni Familiari, na ngayon ay kilala na sa tawag na Assegni Nucleo Familiare o ANF (L.153/1988, art. 12) ay isang tulong pinansyal na ibinibigay sa ilang kategorya ng mga manggagawa. (Sa link na ito ay matatagpuan ang lahat ng mga kategorya https: // www. Inps .it / nuovoportaleinps / default.aspx? itemdir = 50091), sa mga tumatanggap ng pensyon mula sa lavoro dipendente at sa mga tumatanggap ng kilalang Naspi.
Sino ang nagbibigay ng Assegni Familiari?
Ang assegni familiari ay karaniwang ibinibigay ng employer, habang Inps naman ang nagbibigay sa mga domestic workers, sa mga nakatala sa Gestione Separata, sa mga agricultural workers na may contratto determinato at sa mga workers ng naluging kumpanya.
Ang halaga ng Assegni Familiari?
Ang tulong pinansyal ay kinakalkula batay sa komposisyon ng pamilya (asawa, menor de edad na anak, ibang miyembro ng pamilya na may kapansanan), sa bilang ng mga miyembro at sa kabuuang kita ng pamilya na ang 70 % ay kailangang mula sa lavodo dipendente.
Ang pangunahing requirement ay ang pagkakaroon ng taunang kita na mas mababa sa itinakdang limitasyon bawat taon ayon sa batas. Batay sa kita, ay itatalaga ang halaga ng assegni familiari.
Assegni Familiari: ang aplikasyon
Ang aplikasyon ay isusumite sa:
- Sa employer, sa kasong ang aplikante ay isang lavoratore dipendente, gamit ang modello ANF/DIP (SR16). Ang employer ang magbibigay ng benepisyo sa panahong ipinagtrabaho ng worker, kahit pa ang aplikasyon ay isinumite matapos ang pagtatapos ng rapporto di lavoro.
- Sa Inps, kung domestic workers, agricultural workers na may contratto determinato, workers na nakatala sa Gestione Separata. Sa kasong ito, ang aplikasyon ay maaaring isumite sa pamamagitan ng website ng INPS (gamitang SPID), o sa tulong ng isang Patronati.
Paalala: Ang assegni familiari ay maaaring i-aplay hanggang 5 taon ‘arretrati’.
Para kanino maaaring i-aplay ang assegni familiari? Para din sa miyembro ng pamilya na naninirahan sa labas ng Italya?
Ang assegni per nucleo familiare ay maaaring i-aplay para sa asawa, menor de edad na anak at anak na may kapansanan. Ang mga dayuhang manggagawa, hindi katulad ng mga manggagawang Italyano at Europeo, ay may karapatan lamang sa assegni familiari para sa mga miyembro ng pamilya na naninirahan sa Italya, maliban kung ang country of origin ay may kasunduan sa Italya ukol dito o sa mga kaso kung saan maaaring ipatupad ang social security european law (batas blg. 153/88 artikulo 2, talata 6 bis)
Ang mga refugees sa halip ay may karapatan sa assegni familiari kahit sa mga miyembro ng pamilya na naninirahan sa labas ng Italya.
Kaugnay nito, ang Court of Justice ay kinilala na ang pagkakaiba sa pagpapatupad ng batas sa Italya ay taliwas sa parehong direttiva 109/2003 (para sa mga mayrong permesso lungo soggiornanti) at sa direttiva 2011/98 (para sa mga mayroong permesso unico lavoro).
Sa parehong mga direktiba ay kinikilala ng Hukuman, “ang layuning lumikha ng mga kondisyong katulad sa EU na kumikilala sa mga third country nationals bilang may malaking kontribusyon sa ekonmiya ng EU sa pamamagitan ng kanilang trabaho at kanilang pagbabayad ng buwis at tumatayo ang EU bilang garantiya upang mabawasan ang hindi patas na pagkilala ng mga Member States sa mga third country nationals, mula sa exploitation ng huling nabanggit” at samakatwid ay hindi pinapahintulutan (maliban sa mga partikular na kaso) ang hindi pantay na pagtrato.
ni: Avvocato Federica Merlo, para sa Stranieri in Italia