in

Assegni Familiari para sa mga miyembro ng pamilya sa ibang bansa: Maaari bang i-aplay ang mga ‘arretrati’? 

Assegni Familiari: Para din ba miyembro ng pamilya na naninirahan sa labas ng Italya?

Simula noong nakaraang March 1, 2022 ay ipinatutupad ang Assegno Unico e Universale, ang tulong pinansyal sa mga pamilya na mayroong mga dependent o ‘a carico’ na anak. 

Pinapalitan nito, partially, ang assegni familiari na isang benepisyo para sa ilang miyembro ng pamilya (asawa, anak, kapatid at pamangkin) na dependent o ‘a carico’ at kung nakakatugon sa mga itinalagang kundisyon. 

Para sa mga miyembro ng pamilyang nabanggit ay mayroong posibilidad na mag-aplay ng Assegni Nucleo Familiari, batay sa Circular ng Inps ng August 22, 2022, kung saan nasasaad na kinikilala ang karapatan kahit sila ay nasa ibang bansa at wala sa Italya. 

Basahin din:

Gayunpaman, ang assegni familiari para sa mga dependent na miyembro ng pamilya na hindi ibinigay ng Inps, dahil sila ay residente sa ibang bansa, ay maaaring makuha, ngunit hanggang sa petsa lamang ng February 28, 2022. Bukod dito, mahalagang malaman na ang karapatan sa benepisyo ay maaaring i-aplay hanggang limang (5) taon lamang

Samakatwid:

  • Maaari pa ring mag-aplay ng ANF para sa mga miyembro ng pamilya  maliban sa asawa at anak tulad ng kapatid at mga pamangkin), sa kundisyong sila ay dependent kahit naninirahan sa ibang bansa;
  • Para sa mga dependent na anak ay maaari ring ma-claim ang mga ‘arretrati’ hanggang Pebrero 28, 2022. (Atty: Federica Merlo)
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Assegno Nucleo Familiare (ANF) para sa mga miyembro ng pamilya na naninirahan sa ibang bansa, aprubado

WHO: Pagtatapos ng Pandemya, nalalapit na