in

‘Assegno al Nucleo Familiare’ sa Comune, paano mag-aaplay?

Ito ay isang social benefit na ina-aplay sa Comune at ibinibigay ng Inps. Narito kung sino, paano at kailan ito dapat i-aplay.

Roma – Ang assegno al nucleo familiare per le famiglie numerose o bonus terzo figlio  ay isang social benefit na ibinibigay sa mga pamilya na mayroong mula sa tatlong anak (pataas) na menor de edad.

Ito ay isang tulong pinansyal na ibinibigay ng Inps sa loob ng 13 buwan na nagkakahalaga ng € 144,42 kada buwan.

Sino ang maaaring mag-aplay?

Maaaring mag-aplay ang mga Italians, Europeans at non-Europeans na mayroong ng EC long term residence permit o ang permesso per lungo soggiornanti (ang dating carta di soggiorno).

Kailan at saan dapat mag-aplay?

Ang mga pamilya ay kailangang magsumite ng aplikasyon sa Comune kung saan residente hanggang Jan 31, 2020 para sa taong 2019.

Anu-ano ang mga requirements?

Ang karapatan sa tulong pinansyal ay batay sa halaga ng ISEE o Economic Situation Indicator na hindi dapat lalampas sa halagang  8.745,26.

Ito ay ibibigay ng buo kung ang ISEE ng pamliya ay hindi lalampas ng € 6.867.78 at ibibigay naman ng parsyal kung ang ISEE ay hindi lalampas ng € 8.745,26.

Ang nabanggit ay matatanggap kahit na tumatanggap ng ibang benepisyo at ito ay hindi maitututing na ‘karagdagang sahod o kita’.

Kailangang ilakip sa aplikasyon ang certificate ng family composition o certificate di stato di famiglia.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Assegni al nucleo familiare at maternità na ibinibigay ng mga Comune, bahagyang tumaas ngayong 2019

Overseas Absentee Voting sa PCG Milan, naidaos nang mapayapa