Ang Autocertificazione ay muling bahagi ng mga restriksyon at kailangang gamitin sa ilalim ng Decreto Natale. Ito ay upang patunayan ang dahilang pinahihintulutan ng batas.
Tandaan na sa kawalan ng Autocertificazione sa oras ng kontrol ay maaari din itong ibigay ng awtoridad.
I-click lamang para sa form ng Autocertificazione.
Kailan gagamitin ang Autocertificazione?
- Simula ngayong araw, Dec 21 hanggang Jan 6 upang patunayan ang dahilan sa paglabas ng sariling Rehiyon ay kakailanganin ang Autocertificazione.
Tandaan na may pahintulot lamang ang pagpunta sa trabaho, dahilan ng kalusugan tulad ng pagbili ng gamot at ang dahilan ng mga pangangailangan.
- Ito ay kakailanganin din simula sa pagsasailalim sa buong bansa sa zona rossa. Samakatwid sa December 24, 25, 26, 27, 31 at January 1, 2, 3, 5 at 6.
a. Tandaan na kakailanganin ang Autocertificazione kahit sa pagpunta sa simbahan, bukod pa sa pagpunta sa trabaho, kalusugan at pangangailangan.
b. Ang autocertificazione ay kailangan din sa pagbisita sa miyembro ng pamilya, kamag-anak o kaibigan, (kahit hindi convivente) ng isang beses lamang sa maghapon hanggang 2 katao. Sa kasong ito ay kailangang isulat ang address ng pinanggalingan at destinasyon. Hindi kinakailangang isulta ang pangalan ng taong bibisitahin.
- Ito ay kakailanganin din sa pagsasailalim sa buong bansa sa zona arancione. Sa mga araw ng December 28, 29, 30 at January 4 sakaling lalabas ng sariling Comune.
- Kailangan din ang Autocertificazione sa oras ng curfew, mula 10pm hanggang 5am. Tandaan na sa Dec 31 ang oras ng curfew ay mula 10pm hanggang 7am ng Jan 1.
Autocertificazione, hindi na ba gagamitin simula January 7?
Sa kasalukuyan, ang lahat ng mga Rehiyon, maliban sa Abruzzo, ay nasa ilalim na ng zona gialla batay sa ordinansa ng Ministry of Health.
Kung:
- mapapanatili ang kahit mabagal ngunit patuloy na pagbaba sa bilang ng mga infected;
- kung muling malayang makakabiyahe sa buong bansa;
- at kung tatanggalin na ang curfew,
ang Autocertificazione ay pansamantalang magpapahinga muna.
Basahin din:
- Decreto Natale, binubuo ng DPCM dec 3 at Dec 18, ang kabuuan ng mga restriksyon
- Decreto Natale: Maaari bang magpunta ng simbahan sa mga araw na nasa ilalim ng zona rossa?
- False declaration sa Autocertificazione, isang krimen
(Pia Gonzalez-Abucay)