in

Autocertificazione, kailangan gagamitin?

Ang Autocertificazione, ay nananatiling isang mahalagang dokumento sa panahon ng second wave sa pagsasailalim sa bansa sa partial lockdown. Narito ang form.

Ito ay kailangang dala palagi tuwing lalabas ng bahay partikular kung aabutin ng oras ng curfew sa zona Gialla o tuwing papatunayan ang dahilan ng trabaho, kalusugan at emerhensya o matinding pangangailangan sa mga Rehiyon na nasa ilalim ng zona Arancione at Rossa. 

Autocertificazione sa zona Rossa

Tulad sa unang lockdown ay pinahihintulutan ang dahilan ng trabaho, kalusugan, pangangailangan at emerhensya tuwing lalabas ng bahay. Bukod dito, ngayong second wave ay bukas ang mga paaralan at may pahintulot ang paghahatid at pagsundo sa mga anak na nasa kinder, maternal at elementarya. May pahintulot din ang pagpunta sa mga salon o parrucchieri na sa unang lockdown ang mga nabanggit ay nanatiling sarado. 

Bagaman ito ay hindi binanggit sa huling DPCM, ang Autocertificazione ay kailangang palaging dala o handa sa tuwing may magko-kontrol sa mga pagkakataong nabanggit sa itaas. 

Autocertificazione sa zona Arancione

Tulad sa zona rossa, ang mga mamamayan na nasa ilalim ng zona Arancione ay kailangan ang Autocertificazione sa paglabas sa oras ng curfew. Ito ay kailangan din sa pagpunta sa ibang Rehiyon at paglabas kung saang Rehiyon residente at kailangang patunayan ang dahilan ng trabaho, emerhensya, kalusugan at pangangailangan. 

Ayon sa Ministry of Interior, random control ang gagawin ng awtoridad sa mga makikitang mamamayan sa oras ng coprifuoco o curfew o sa mga lugar kung saan walang pahintulot at paparusahan  ang mali o pekeng deklarasyon. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Tatlong Pinoy arestado sa Roma dahil sa shabu

ako-ay-pilipino

Anu-anong mga commercial activities ang mananatiling bukas sa red zone?