Ang Autocertificazione, ay nananatiling isang mahalagang dokumento sa panahon ng pandemya sa Italya.
Sa pamamagitan nito, ang mamamayan ay idinedeklara na ang dahilan ng paglabas ng bahay ay kabilang sa mga pinahihintulutan ng batas tulad ng trabaho, kalusugan at pangangailangan.
Autocertificazione sa zona gialla
Ang Autocertificazione ay hindi kakailanganin kung nasa loob ng sariling Rehiyon.
Ito ay kakailanganin kung:
- Lalabas o pupunta ng ibang rehiyon dahil sa trabaho, kalusugan at pangangailangan. Tandaan na kahit nasa zona gialla ay ipinagbabawal ang paglabas o pagpunta sa ibang rehiyon simula January 7 hanggang January 15, batay sa kasalukuyang restriksyon.
- Lalabas sa oras ng curfew o mula 10pm hanggang 5am. Tandaan na ang pagbalik sa sariling tahanan ay pinahihintulutan din.
Narito kung paano sasagutan ang Autocertificazione.
Basahin din:
(PGA)