Simula 2018, sa pamamagitan ng Decrete Legge 113/2018, ay ipinatutupad bilang requirement ang kaalaman sa italian language na hindi bababa sa B1 level ng Common European Framework of Reference para sa mga aplikasyon ng Italian Citizenship by Marriage at by Residency na isinumite makalipas ang October 5, 2018.
Basahin din:
- Italian citizenship by marriage, sino at paano mag-aplay?
- Italian citizenship by residency, sino at paano mag-aplay sa taong 2021
Ang nabanggit na requirement ay kailangang patunayan sa oras ng pagsusumite ng aplikasyon, sa pamamagitan ng:
- Diploma na inisyu ng isang pampubliko o pribadong institusyon na kinikilala ng Ministry of Foreign Affairs (MAECI) o ng Ministry of Education (MIUR);
- Isang sertipikasyon ng italian language, na inisyu ng mga sumusunod: Società Dante Alighieri, Università per Stranieri di Perugia, Università per Stranieri di Siena at Università degli Studi Roma Tre. Narito ang mga link ng mga nabanggit. https://italiana.esteri.it/italiana/lingua/certificazioni/
Sa kabilang banda, ang mga nabanggit na sertipikasyon ay hindi naman dapat ilakip ng mga sumusunod:
- Ang mga EU long-term residence permit holders. Sa katunayan, ang pagkakaroon ng nabanggit na permit to stay ay nangangailangan na ng pagpasa sa Italian language test;
- Mga dayuhang mamamayan na pumirma sa Integration Agreement partikular ang mga non-Europeans na pumasok sa Italya makalipas ang taong 2012. Ang Integration agreement ay mayroon credit point system at bahagi nito ay ang pagpasa sa minimum na antas ng wikang Italyano.
Samakatwid, tanging sa mga kasong nabanggit lamang mayroong eksepsiyon, tulad ng nasasaad sa Circular no. 666 ng 25.01.2019 ng Ministry of the Interior.
Ang lahat ng iba pang mga aplikante, maging sila ay mga Europeans (at samakatwid ay mayroon ding permanent residence permit) at mga non-Europeans, ay kailangang maglakip ng dokumentasyon na nagpapatunay ng kaalaman sa wikang italyano, na maaaring isang kwalipikasyon na nakuha sa Italya o kinikilala ng Ministry of Foreign Affairs, o maaaring isang sertipiko na inisyu ng isa sa apat na nabanggit. (Atty. Federica Merlo)
Basahin din:
- Ako po ay carta di soggiorno holder at nais kong mag-aplay ng Italian citizenship. Kailangan ko po bang mag-exam ulit para sa level B1 ng Italian language?