Ang Italian Ministry of Foreign Affairs ay naglaan ng isang official website kung saan nasasaad ang mga health protocols at preventive measures na dapat gawin ng sinumang papasok sa bansang Italya, italyano o Pilipino man. Narito ang mailing gabay.
Sa website ng https://infocovid.viaggiaresicuri.it/ ay mayroong questionnaire na maaaring sagutan na magbibigay indikasyon sa mga dapat gawin ng pasahero.
Sa viaggiaresicuri.it ay nasasaad na ang mga biyahe mula (from) at papunta sa (to) Pilipinas ay pinahihintulutan ng bansang Italya sa pagkakaroon ng mahalagang dahilan.
Maaring trabaho, kalusugan o edukasyon, emerhensya, pagbalik sa tahanan. Hindi pinapahintulutan ang Turismo. Partikular, pinahihintulutan ang pagbalik sa Italya ng mga permit to stay holders, pati ang kanilang mga pamilya.
Pinapaalala na kailangang sumailalim pa rin sa fiduciary isolation at health surveillance ng 14 na araw.
Ano ang ibig sabihin ng fiduciary isolation at health surveillance?
Ang fiduciary isolation ay ang pagsasailalim sa mandatory 14-day quarantine na dapat ipagbigay-alam sa Dipartimento di prevenzione ng ASL o sa sariling medico di base o pediatra.
Sa mga araw ng quarantine ay kailangang gawin ang mga sumusunod:
- Iwasan ang anumang contact sa ibang tao;
- Ipinagbabawal ang lumabas ng bahay;
- Kailangang manatili lamang sa lugar kung saan ginagawa ang quarantine;
- Pagbabantay sa kalusugan sa pamamagitan ng pagkuha ng body temperature ng 2 beses sa maghapon;
- Manatiling reachable sa anumang tawag ng awtoridad.
Matapos sagutan ang questionnaire, ay ito ang resulta:
Autodichiarazione, kailangan bang gawin ng mga babalik sa Italya?
Ayon pa rin sa website viaggiaresicuri, matapos sagutan ang questionnaire, ang mga manggagaling ng Pilipinas ay kinakailangan ang mag-fill up ng Autodichiarazione kung saan idinedeklara ang dahilan ng pagbalik sa Italya, ang address na tutuluyan para sa 14day quarantine.
Ang Autodichiarazione ay kailangang isumite sa airlines bago ang flight. Isang kopya nito ay ipinapayong ibigay sa kaanak na nasa Italya na susundo sa airport. Ito ang magiging patunay sa anumang kontrol ng awtoridad.
Narito ang link ng Autodichiarazione: https://www.esteri.it/MAE/resource/doc/2021/01/modulo_rientro_sintetico_05_gennaio_2021.pdf
Kailangan bang sumailalim sa swab o rapid test bago bumalik ng Italya o pagdating ng Italya?
Sa mga manggagaling sa Pilipinas, ayon sa viaggairesicuri.it, ay hindi nasasaad ang obligasyon ng pagsasailalim sa swab test bago ang flight at pagdating sa Italya.
Paalala: Mayroong mga airlines na nag-oobliga ng swab test at medical certificate bago ang flight pabalik sa Italya. Makakabuting makipag-ugnayan sa napiling airlines upang alamin ang kanilang requirements habang may sapat na panahon pa sa Pilipinas.
Gayunpaman, ang pagsasailalim sa swab o rapid test, makalipas ang 10 araw ng quarantine ay isang option na pinahihintulutan sa Italya.
Basahin din:
Maaari bang sumakay ng public transportation?
Ayon pa rin sa nabanggit na questionnaire ay nasasaad ang paggamit ng pribadong sasakyan sa pagpunta o pag-uwi sa address na tinukoy sa Autodichiarazione.
Sa pagsakay sa pribadong sasakyan ay ipinapayo ang pagsunod sa mga ipinatutupad na protocol tulad ng paggamit ng mask. At kung ang susundo ay hindi convivente o hindi kasama sa bahay, ipinapaalalang huwag sumakay sa tabi ng driver’s seat, bagkus sa passenger seat sa likod.
Muli, ang isang kopya ng Autodichiarazione ay ipinapayong ibigay sa kaanak na nasa Italya na susundo sa airport. Ito ang magiging patunay sa anumang kontrol ng awtoridad, partikular sa panahong may ipinatutupad na restriksyon sa mga Rehiyon.
Basahin din:
Para sa karagdagang impormasyon, ipinapayo ang bisitahin ang mga official website ng gobyerno. (PGA)