Matapos ang kanselasyon ng maraming flight mula sa mga airline companies dahil sa lockdown, marami pa ring mga Pilipino ang bumabalik sa kasalukuyan sa Italya na na-stranded sa Pilipinas o sa ibang bansa. Narito ang dapat gawin.
Ayon sa website ng Ministry of Foreign Affairs, updated ng August 19, 2020, ang mga biyahe mula (from) at papunta sa (to) Pilipinas ay pinahihintulutan ng bansang Italya sa mga sumusunod na dahilan lamang: trabaho, kalusugan o edukasyon, emerhensya, pagbalik sa tahanan o residensya. Mahigpit na hindi pinapahintulutan ang Turismo. Partikular, pinahihintulutan ang pagbalik sa Italya ng mga permit to stay holders, pati ang kanilang mga pamilya. Pinapaalala na kailangang sumailalim pa rin sa fiduciary isolation at health surveillance ng 14 na araw. Bukod dito ay kinakailangan ang mag-fill up ng Autodichiarazione kung saan idinedeklara ang dahilan ng pagbalik sa Italya, ang address na tutuluyan para sa 14day quarantine at ang paggamit esklusibo ng isang private vehicle lamang papunta sa address na ito.
Pinahihintulutan ang mga biyahe mula (from) at papunta (to) sa mga EU countries (maliban sa Croatia, Greece, Malta, Spain, Romania at Bulgaria), Schengen countries, UK, Northern Ireland, Andorra at Monaco kahit anong dahilan kasama ang turismo, walang obligatory 14day quarantine ngunit kailangan ang Autodichiarazione.
Samantala, ang lahat ng mga magmumula sa Croatia, Greece, Malta at Spain, batay sa ordinansa noong nakaraang Agosto 12, 2020, ay kailangang magprisinta ng deklarasyon na sa nakaraang 72 hrs bago ang pagpasok sa Italya ay sumailalim sa swab test at negatibo ang resulta. Bilang alternativa, ay kailangang sumailalim sa swab test sa pagdating sa italya o sa loob ng 48 hrs mula sa pagdating sa Italya. Ang sinumang nanatili o nagkaroon ng stop-over sa mga bansang nabanggit ay kailangang ipag-bigay alam ang pagpasok sa Italya sa ASL Servizio igiene e sanità pubblica.
Pinahihintulutan naman ang mga biyahe, anuman ang dahilan, mula (from) at papunta (to) sa mga bansang Bulgaria at Romania. Nananatiling obligado ang 14day quarantine at health surveillance sa mga dayuhang babalik sa Italya. Kailangan din ang Autodichiarazione at maaaring makarating sa destinasyon sa Italya gamit ang isang private vehicle lamang.
Pinahihintulutan, kahit ang Turismo sa mga magmumula sa Australia, Canada, Georgia, Japan, New Zealand, Ruanda, Korea, Thailand, Tunisia, Uruguay. Sa mga dayuhan namang babalik sa Italya, mula sa mga nabanggit na bansa ay kailangang sumailalim sa fiduciary isolation at health surveillance ng 14 na araw. Bukod dito ay kailangan ang mag-fill up ng Autodichiarazione kung saan idinedeklara ang dahilan ng pagbalik sa Italya, ang address na tutuluyan para sa 14day quarantine at ang paggamit esklusibo ng isang private vehicle lamang.
Patuloy na may travel ban ang mga mula sa bansang Armenia, Bahrain, Bangladesh, Bosnia Herzegovina, Brazil, Chile, Kuwait, North Macedonia, Moldova, Oman, Panama, Peru, Dominican Republic, maliban sa mga EU nationals at ang kanilang mga pamilya na ang may legal residence sa Italya bago ang July 9, 2020. Sa mga EU nationals na babalik sa Italya mula sa mga nabanggit na bansa ay kailangang sumailalim sa fiduciary isolation at health surveillance ng 14 na araw. Bukod dito ay kailangan ang mag-fill up ng Autodichiarazione kung saan idinedeklara ang dahilan ng pagbalik sa Italya, ang address na tutuluyan para sa 14day quarantine at ang paggamit esklusibo ng isang private vehicle lamang. May pahintulot naman makalabas ng Italya papunta sa mga bansang nabanggit para sa dahilan ng trabaho, kalusugan, edukasyon, emerhensya at ang pagbalik sa sariling tahanan o residensya. Hindi pinahihintulutan ang Turismo.
Patuloy na may travel ban ang mga mula sa bansang Kosovo, Montenegro, Serbia, maliban sa mga EU nationals at ang kanilang mga pamilya na ang may legal residence sa Italya bago ang July 16, 2020. Sa mga EU nationals na babalik sa Italya mula sa mga nabanggit na bansa ay kailangang sumailalim sa fiduciary isolation at health surveillance ng 14 na araw. Bukod dito ay kailangan ang mag-fill up ng Autodichiarazione kung saan idinedeklara ang dahilan ng pagbalik sa Italya, ang address na tutuluyan para sa 14day quarantine at ang paggamit esklusibo ng isang private vehicle lamang. May pahintulot naman makalabas ng Italya papunta sa mga bansang nabanggit para sa dahilan ng trabaho, kalusugan, edukasyon, emerhensya at ang pagbalik sa sariling tahanan o residensya. Hindi pinahihintulutan ang Turismo.
Hindi pa rin pinahihintulutang makapasok ng Italya ang mga mula sa bansang Columbia, batay sa Ordinansa ng Ministry of Health noong Agosto 12, 2020, maliban sa mga EU nationals at ang kanilang pamilya na may legal residence sa bansa bago ang August 13, 2020. Sa mga EU nationals na babalik sa Italya mula sa mga nabanggit na bansa ay kailangang sumailalim sa fiduciary isolation at health surveillance ng 14 na araw. Bukod dito ay kailangan ang mag-fill up ng Autodichiarazione kung saan idinedeklara ang dahilan ng pagbalik sa Italya, ang address na tutuluyan para sa 14day quarantine at ang paggamit esklusibo ng isang private vehicle lamang. May pahintulot naman makalabas ng Italya papunta sa bansang nabanggit para sa dahilan ng trabaho, kalusugan, edukasyon, emerhensya at ang pagbalik sa sariling tahanan o residensya. Hindi pinahihintulutan ang Turismo.
Ipinapayo na bisitahin ang ViaggiareSicuri, upang malaman ang mga ipinatutupad na restriksyon.