in

Bagong kontribusyon, sinu-sino ang hindi magbabayad nito?

Mayroong mga kaso kung saan ang kontribusyon mula 40 hanggang 100 euros at ang halagang 30,46 euros para sa electronic document ay hindi obligadong bayaran. Narito ang mga ito. 

 

 

Hunyo 21, 2017 – Ang Economy and Finance ministerial decree noong June 5, 2017 ay nagtalaga ng mga bagong halaga ng kontribusyon ng mga permit to stay. Ito ay inilathala sa Official Gazette n. 131 noong June 8, 2017 at agarang ipinatupad. 

Bukod sa fixed amount na binabayaran sa renewal tulad ng electronic document, serbisyo ng post office at tax stamp (marca da bollo), ang mga bagong halagang itinalaga ay ang sumusunod:

40 euros – releasing at renewal ng mga permit to stay na balido mula 3 buwan hanggang 1 taon;

50 euros – para sa mga permit to stay na balido ng isang taon at dalawang taon; 

100 euros – para naman sa pag-aaplay ng EC long term residence permit o dating carta di soggiorno. 

Gayunpaman, mayroong ilang mga kaso kung saan ang halagang 30,46 euros para sa electronic document  at ang halagang mula 40 hanggang 100 euros para sa kontribusyon ay hindi obligadong bayaran

Narito ang mga ito: 

Uri ng

permit to stay

Bollettino PSE 30,46

Kontribusyon

(40 hanggang 100 euros)

Familiari EU national

NO

NO

Art. 27 (Lavoro Subordinato)

NO

NO

Renewal

political asylum

SI

NO

Renewal

Refugee status

SI

NO

Minors of 14 to 18

SI

NO

Aggiornamento/

Conversion permit to stay

SI

NO

Duplicate permit to stay

SI

NO

 

Basahin rin: 

Kontribusyon ng mga permit to stay, muling nagbabalik!!

Magkano ang dapat bayaran sa releasing at renewal ng mga permit to stay matapos ibalik ang kontribusyon?

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Benevento, kung saan pinakamababa ang sahod ng mga colf at caregivers

Modus ‘smartphone’, sangkot isang 17 anyos na Pinoy