in

Bagong ‘NASPI’ para sa nawalan ng trabaho, paano mag-aplay nito?

Magandang umaga, ang aking kontrata sa trabaho ay matatapos sa kalahatian ng Mayo. Sa kasamaang palad ay hindi na ito mare-renew. Habang ako ay naghahanap ng bagong trabaho ay maaari ba akong mag-aplay ng indennità di disoccupazione o tulong sa mga walang tabaho?

 

 


 
Marso  30, 2015 – Simula Mayo 1, 2015, ang mga nawalan ng trabaho o tinanggal sa trabaho ay maaaring mag-aplay ng NASPI o Nuova Assicurazione Sociale per l’Impiego, na nilalaman ng Jobs Act. Maaari ding mag-aplay ang mga nagbitiw sa trabaho dahil sa tamang dahilan (giusta causa) o ang sinumang nagkaroon ng kasunduan.  

Hindi kabilang sa Naspi ang mga magsasaka at ang mga empleyado ng Public Administration (short at long term contract), dahil matatanggap nila ang itinalagang benepisyo sa sektor.

Ang bagong tulong pinansyal ay pamamahalaan ng Agenzia Unica del Lavoro sa pamamagitan ng Centri per l’Impiego habang ang Inps naman ang magbibigay nito matapos matangap at maproseso ang aplikasyon online. Mahalagang ang nawalan ng trabaho ay gawin ang dichiarazione di immediate disponibilità (DID) sa Centro per l’Impiego.

MGA KINAKAILANGAN

Para matanggap ang NASPI, ay kailangang patunayan ng aplikante ang pagkakaroon ng di bababa sa 13 wks na bayad na kontribusyon, sa huling apat na taon. Bukod dito, ang aplikante ay kailangang patunayan ang pagta-trabaho sa hindi bababa sa 30 araw sa 12 buwan bago mawalan ng trabaho.

Tandaan, na hindi isasama sa kalkulasyon ng kinakailangang kontribusyon ang panahon ng Cassa Integrazione (CIG) na may 0 hr o ang ilang panahong hindi mahalaga sa kontribusyon bago ang pagtatapos ng trabaho. Tinutukoy dito ang mga hindi bayad, at hindi sakop ng kontribusyon. Halimbawa ang pagkakasakit na hindi isasama ang sahod mula sa  employer ay kasama sa panahong hindi kapaki-pakinabang sa kontribusyon.  

PANAHON NG PAGTANGGAP

Ang panahon ng pagtanggap ng tulong ay katumbas ng kalahati ng bilang ng ipinag-trabahong linggo sa huling 4 na taon, samakatwid, ang panahon ay nag-iiba batay sa bilang ng linggo ng kontribusyon na itinalaga sa worker. Sa batas sa katunayan, ay nasasaad ang maximum period na maaaring matanggp ang tulong ay 24 na buwan o 2 taon sa kasong ang aplikante ay walang hintong nagtrabaho ng 4 na taon bago mawalan ng trabaho.

PAGTANGGAP

Ang aplikasyon ay kailangang isumite sa loob ng 68 days mula sa pagtatapos ng trabaho at maaaring matanggap tuwing buwan o lump sum naman kung ang worker ay magdesisyong mag-self employed. Ang buwanang halaga ay hindi lalampas sa 1300 euros at simula sa ika-apat na buwan, ang halaga ay mababawasan ng 3% kada buwan.

Ang Naspi ay ibibigay sa kundisyong ang nawalang trabahong worker ay lalahok sa mga programa ng pagsisimula ng trabaho o improvement training.

PAALALA!

Maaaring magtrabaho habang tumatanggap ng tulong, sa ilang piling kaso tulad ng:
–    subordinate job, kahit walang duration, ang sahod mula dito ay hindi dapat lalampas sa taxable income na € 8.145 kada taon. Sa kasong ito, ang worker ay dapat na i-report sa Inps ang simula ng trabahong ito at ang halaga ng inaasahang sasahurin sa isang taon. Ang tulong pinansyal, sa kasong ito ay mababawasan ng 80% sa itinakda sa taong iyon. Ang pagbaba ng halaga, gayunpaman, ay maaaring magbago batay sa income tax return kung saan nasasaad ang mga tinanggap na sahod.  
–    Sa kasong ang aplikante ay tumanggap ng kontrata bilang subordinate worker sa loob ng 6 na buwan at ang sahod ay higit sa taxable income kada taon, ang tulong piannasyal ay mahihinto sa panahong ang aplikante ay may trabaho at maaari lamang na muling matanggap ito pag nawalan ulit ng trabaho.
–    Sa kasong ang aplikante ay nagsimulang maging self-employed ay maaaring magpatuloy na matanggap ito kung ang yearly income ay hindi bababa sa €4.800

ni: Dott.ssa Maria Elena Arguello

isinalin sa tagalog ni: Pia Gonzalez-Abucay

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Amber Light, ang malawakang operasyon sa Europa laban sa mga hindi regular

Bilang para sa conversion ng permit to stay, itinalaga ng Ministry