Ang karapatan sa bakasyon o ang tinatawag na ferie sa wikang italyano, tulad ng para sa lahat ng mga empleyado, ay isang karapatan na hindi dapat ipagkait at samakatwid ay hindi dapat bayaran o palitan ng pinansyal na benepisyo.
Sa katunayan, nasasaad sa CCNL for domestic job, ang mga colf, caregivers at mga babysitters ay may karapatan sa maximum na 26 na araw sa isang taon, posibleng tuluy-tuloy o kung hindi man ay nahahati sa maximum na dalawang bahagi sa isang taon.
Samakatwid, ang mga employers at workers ay maaaring magpasya, batay sa kanilang parehong pangangailangan, na hatiin ang bakasyon ng manggagawa sa dalawang bahagi, sa kondisyon na:
- ang dalawang linggo ay gagamitin sa loob ng taon;
- ang karagdagang dalawang linggo naman ay gagamitin sa loob ng susunod na 18 buwan ng taon kung kailan ang mga ito ay naipon.
Mahalaga ding tandaan na posibleng magamit ang naipong araw ng bakasyon sa loob ng maximum na dalawang (2) taon, upang magamit nang mas mahaba at tuluy-tuloy ang bakasyon. Ito ay isang posibilidad sa kasong ang mga dayuhang manggagawa ay uuwi at mag-babakasyon sa kanilang sariling bansa.
Bukod dito, ang 26 na araw ng bakasyon sa isang taon ay proporsyon kung ang domestic worker ay nagtatrabaho nang wala pang isang taon, dapat na mabayaran ng tama at hindi maaaring gamitin sa panahon ng preavviso o abiso bago ang pagtatanggal sa trabaho, sa panahon ng sick leave o pagliban dahil sa aksidente. (Atty. Federica Merlo)