in

Bakit dapat gawin ng mga dayuhan ang komunikasyon ng cambio residenza?

Una sa lahat ay dapat tandaan na ang residenza, ayon sa batas sa Italya, ay ang lugar kung saan nakatira ang mga tao. Samakatwid ito ay dapat na tumutugma sa address ng pangunahing tirahan, at anumang pagbabago ay dapat ipagbigay-alam sa Ufficio Aangrafe ng Comune na dapat gawin sa loob ng 20 araw, kahit ang paglipat ng tirahan ay magaganap sa sarili o sa ibang Comune. 

Ang komunikasyon ng cambio residenza (o komunikasyon ng pagpalit ng tirahan) ay kinakailangang gawin dahil ang residenza ay mahalaga para sa:

  • Certificato anagrafico o sertipiko na nagtataglay ng mga personal na datos ng mga mamamayang rehistrado sa Munisipyo;
  • Pagkakaroon ng medico di base at pediatrician;
  • Pagtanggap ng mga registered mail;

Bukod dito, ang komunikasyon ay mahalaga dahil sa sistemang ito, ang lahat ng mga mamamayan – Italyano at mga dayuhan – ay matatagpuan ng mga awtoridad para sa iba’t ibang dahilan tulad ng pagbabayad ng buwis, pagtanggap ng anumang komunikasyon mula awtoridad at mula sa lokal na pamahalaan. 

Ano ang mangyayari sa kawalan ng komunikasyon ng cambio residenza sa loob ng 20 araw? 

Anumang pagbabago sa residenza legale ay kailangang ipagbigay-alam sa Ufficio Anagrafe ng Comune. 

Ang mga dayuhan na hindi gagawa ng komunikasyon ng cambio residenza ay nanganganib na matanggal sa listahan ng Anagrafe o Register Office ng Comune at ito ay maaaring maging balakid sa renewal ng permesso di soggiorno o aplikasyon ng italian citizenship. 

Gayunpaman, walang hadlang upang gawin ang cambio residenza sa kaso ng renewal ng permit to stay ng mga dayuhan. Ngunit mahalagang tandaan na sa loob ng 60 araw mula sa releasing ng bagong permesso di soggiorno ay obligasyon ng dayuhan ang kumpirmahin sa Comune ang address kung saan aktwal na naninirahan lakip ang bagong released na permesso di soggiorno. 

Ang mga dayuhan na hindi gagawa ng nasabing komunikasyon ay nanganganib na matanggalan ng residenza, at samakatwid ay mahalagang gawin ang komunikasyon sa panahon ng palugit. 

Ipinapaalala na maging maingat sa anumang matatanggap na registered mail mula sa Comune, dahil bago tuluyang kanselahin bilang residente ay nagpapadala ng abiso ang Comune.

ni: Atty. Federica Merlo

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Ako Ay Pilipino

Panghahalay sa sariling anak, Pinoy arestado!

Third dose ng bakuna kontra Covid19, kakailanganin nga ba?