Kabilang sa mga pangunahing requirements ng EC long term residence permit o carta di soggiorno ay ang casellario giudiziale e carichi pendenti. Narito kung bakit at paano magkaroon nito.
Enero 11, 2016 – Ang EC long term residence permit o carta di soggiorno ay hindi maaaring ibigay sa sinumang itinuturing na ‘panganib’ sa public order o seguridad ng bansa.
Ito ay mapapatunayan, bukod sa haba ng panahon ng pananatili sa bansa at sa lebel ng integrasyon sa komunidad at trabaho ng dayuhan, lalong higit sa pamamagitan ng dalawang uri ng sertipiko: ang judicial certified general record o certificate del casellario giudiziale at ang certificate of pending charges o certificato dei carichi pendenti. Ang dalawang nabanggit ay kailangang ilakip sa aplikasyon.
Ang certificato del casellario giudiziale ay nagtataglay ng mga pinal na hatol o sentensya samantalang ang certificato dei carichi pendenti ay nagtataglay naman ng mga kasalukuyang paglilitis. Parehong hinihiling sa Procura della Repubblica ng personal o sa pamamagitan ng authorization letter mula sa aplikante. Parehong balido ng anim (6) na buwan.
Kailangang magbayad ng € 3.84 para sa ‘diritti di certificato’, € 16 para sa bollo at kung nais ang sertipiko sa parehong araw, ang karagdagang € 3.84 para sa ‘diritto di urgenza’.
Ito ay nananatiling isang obligasyon para sa mga imigrante na nagnanais ng carta di soggiorno hangga’t hindi pinahihintulutan ang self-certification o autocertificazione.
Basahin rin:
CE per soggiornanti lungo periodo, anu-ano ang requirements?